Papa P at Iñigo, ‘best buddy status’

Elmo at Janella, naispatan sa ice cream parlor

By
1129

“WHEN your father becomes your best buddy, kissing him is nothing but normal, sweetest thing that you do.”

Iyan ang mga salitang iyong mababasa bago mo mapanood ang video ni Piolo Pascual at only begotten niyang si Iñigo Pascual sharing a tender kiss na captured and preserved for posterity.

The public display of affection of the two, the hottest forty-year old man alive this side of the planet and his charmer of a son, eh binabali ang nakasanayang father and son relationship of the nakakarami.

Sina Papa P at Iñigo na siguro ang pwede natin sabihing perfect examples of a millennial father and son.

Gone are the days na ang tatay ay sobrang istrikto, na ang pagi­ging physically affectionate nito ay madadama mo lang sa shaking of the hands or warm bear hugs ‘pag may special occasions or on a daily basis given to their sons.

Isa pang fine example of a father and son na affectionate eh ang Manzano, sina Edu at Luis.

Ang mag-amang ito, pakwela lagi pero alam mong very deep, res­pectful at emotionally healthy ang kanilang father and son relationship.

Siguro, kung sina Cesar Montano at Diego Loyzaga eh BFF din ang turingan sa isa’t isa, ma­lamang wala na silang away na documented sa social media.

Sa kaguluhang kinasasangkutan ni Montano, may social media postings si Diego na marami ang nanalig na parunggit niya sa kanyang ama.

Sana naman hindi, dahil nakakalungkot kung ganu’n. Sana may mag-intervene sa dalawa para matapos na ang kanilang altercation.

Sa true lang, pareho silang nasasaktan at tiyak na hindi nila gusto ang kanilang sitwasyon sa kasalukuyan. Manaig nawa ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Marami pa sanang father and sons na ma-achieve ang best buddy status ng mga Pascual.

Sa prevailing macho culture sa Pilipinas nating mahal, magandang shift ito para sa mga bago at mga relatively young na mga tatay.

Sa mga tatay na med­yo ripe na ang age, it is not too late to try it. Dahan-dahan siyempre para hindi naman mabig­la ang inyong anak na mga ­lalaki.

It will take some time for them to be accustomed to your sudden affection.

***

Elmo at Janella
Elmo at Janella

Interasado ba ang dear readers namin sa sighting kina Elmo Ma­galona at Janella Salvador sa ice cream parlor?

Alam kaya ni Janine Desiderio ang ice cream date na ito?

Sana, maayos na nagpaalam si Magalona sa mudra or else, magtatalak na naman ang mommy dearest ni Salvador.

Baka ang sweet gesture na ito ni Elmo ay para kalamayin ang loob ni Salvador dahil ‘di ba, na-Discovery Planet niya na ang debit card niya ay ginamit sa land of the ri­sing sun.

Ang kalurks, nasa Manila siya when the transaction happened.

May walanghiyang hacker na ginamit ang kanyang pinag-ipunan. Sana, ang mga awto­ridad, mahuli ang magnanakaw kay Janella.

Sa sighting, si Ma­galona ay naka-all black ensemble, with matching shades and cap at si Salvador ay naka-sleeveless printed top at capri pants.

 In fairness kay Elmo, honey my love, so sweet ang para-paraan niyang mag-ice cream sila ni Janella.

Pia W: Stop messaging  my boyfriend. He’s mine!

Marlon at Pia
Marlon at Pia

Bagama’t deleted na ang comment, marami pa rin ang tuwang-tuwa sa payanig ni Pia Wurtzbach sa mga babaeng maiitim ang balak sa kanyang kasintahang si Marlon Stockinger.

Ang talak ni Queen P, “That’s mine on the left. You girls better know. So stop messaging my boyfriend. I know who you girls are. And I feel sorry for girls who let this one go. But oh well, he’s mine now.”

Way to go, Queen P! Ang diva that you love, tuwang-tuwa sa iyong assertion.

O, mga hitad, may fair warning na kayo. Kaya, ‘wag na mag-the moves. ‘Wag nang mag­lumandi.

‘Wag nang mag-inarte na may chance pa kayong maagaw si Stockinger sa third Ms. Universe of the Philippines.

Ginto na ang na kay Marlon, alangan namang pumatol pa siya sa basura.

Ang kay Pia ay kay Pia. Kumilos kayo ayon sa inyong ganda. ‘Wag maging ilusyonada.

***

Living well is the sweetest revenge indeed.

‘Yan ang masasabi ko sa larawan ni ­Erich Gonzales na kuha sa isang gym.

A wide smile posted on her face, flexing her biceps at ipinakita niya ang kanyang well toned abdominal area.

Ganyan ang imahe ngayon ni Gonzales.

Hindi siya grieving ex ni Daniel Matsunaga. Ang motto niya ngayon siguro ay, “Don’t hate me because I am beautiful.”

Tama ang ginagawa niya. The greatest love of all muna, love herself more and let her heart heal.

Huwag muna siyang magmadali na magkarelasyon. Ang importante now, she is taking good care of herself, at surrounded by people who love her unconditionally.

Si Matsunaga naman ay busy sa kanyang I Can Do That stint. Very competitive si Dandan at in top physical form pa.

Ang challenges in the competition will also help him in the healing process. Buwis buhay pa naman ang paandar sa na­sabing show.

‘Pag siya ang nanalo in the end, it is a sweeter victory for him.