Zia, kay Dingdong namana ang pagiging FRIENDLY

By

TANGGAP ni Marian Rivera na ang cute daughter nila ni Dingdong Dantes na si Maria Letizia ang mas pinagkaguluhan at kinaaliwan ng mga bisita sa Paris wedding ni Dra. Vicki Belo kamakailan.

Masayang dayalog ni Marian sa presscon ng bago niyang Kapuso primetime series na Super Ma’am, sobrang natuwa siya na very friendly ang anak niya at kaway ito nang kaway kahit na kanino.

Love you both! 😍 #aroundZworld

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Natawa kami sa hirit ni Yan na hindi sa kanya nanggaling ‘yon.
In fairness ay kay Dong namana ni Zia ‘yung pagiging friendly nito.

Ang sa kanya ay ‘yung pagiging sweet nito.
Bakit, hindi ba siya friendly?

“Hayaan mo na. Para meron namang karakter na nakuha si Zia (kay Dong).

“Kasi, lahat na lang daw, sa akin. Ibigay mo na sa asawa ko ‘yung isa. Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot sa amin ni Yanyan.

Kung siya ang masusunod ay ayaw ni Yan na mag-showbiz si Zia, pero mukhang nasa dugo talaga nila.

In fact, hindi niya ito tinuruan na mag-wave, si Zia lang talaga ‘yon.
As in mahilig itong kumaway-kaway at friendly sa mga tao.

Bale pareho na silang busy ngayon ng mister niyang si Dong at magka-back-to-back pa ang shows nila sa GMA Telebabad.

Ani Yan, si Dong ang mas busy dahil may Alyas Robin Hood na ito ay may ginagawa pang pelikula, kaya siya ang nag-a-adjust dito.

Ang taping niya ng Super Ma’am ay M-W-F lang, so every other day ay kasama niya si Zia. ‘Pag may work siya ay nasa biyenan niya si bagets.

Naghahanap na ba ng kapatid si Zia?

“Oo. Hiling niya, baby brother daw. Eh, sabi ko sa GMA, tatapusin ko ‘tong Super Ma’am.
After nito, malay mo?

“Kasi, kahit naman gustuhin ko, kung hindi pa ipagkaloob ng Panginoon, wala akong magagawa. Wishing talaga kami na sana.”

Dugtong ni Marian, gusto niya kung sa gusto ng another baby, pero huwag muna ngayon dahil sinabi niya sa GMA na tatapusin niya ang Super Ma’am.

Nahiya kasi siya after mangyari ‘yung sa The Rich Man’s Daughter na nabuntis siya kaya pinalitan siya ni Rhian Ramos.

This time ay kailangan niyang tapusin ang trabaho niya.

Happy si Yan na magaan ang mga katrabaho niya sa Super Ma’am, lalo na ang direktor nilang si Direk LA Madridejos (nagdirek ng Meant to Be).

Hindi siya nahihirapan dahil nag-a-adjust si Direk LA ayon sa kakayahan niya.

First time nilang magkatrabaho, pero sobrang bait nito kaya ito ang bago niyang favorite.

In fairness ay mara­ming eksenang aksyon-aksyon si Marian sa nasabing fantasy-action series.

Siya mismo ang gumagawa ng mga ito dahil ang pangit ‘pag dinobolan siya.

May fight scene sila sa tren sa Tutuban ng ‘kambal’ niyang si Ai Ai de las Alas na may guest role sa serye.

Sey ni Yan, maraming pinresent sa kanya ang GMA pero ang Super Ma’am ang napusuan niya dahil bukod sa wholesome ito ay teacher ang role.

Pangarap niyang maging teacher sa totoong buhay and at the same time, nandu’n ‘yung fight scenes na hinahanap-hanap niyang gawin.

Sa Lunes (September 18) ang simula ng Super Ma’am sa GMA Telebabad.