Yeng, questionable na tawaging SUPERSTAR

By

DAHIL siya na ang representative ng Lipa City, Batangas, maraming nai-starstruck kay Cong. Vilma Santos-Recto kapag nakikita siya sa Kongreso.

Hindi maiwasang celebrity pa rin ang dating ni Ate Vi sa mga taong nakakakita sa kanya sa Kongreso, kaya karamihan sa mga ito ay nagpapa-picture sa Congresswoman for All Seasons.

Kapag nagtse-check ka ng social media sites, marami kang makikitang mga litrato ng fans na kasama si Ate Vi na obviously ay kuha sa Kongreso.

Mas marami na ring taga-showbiz ang nadadalaw si Ate Vi dahil mas malapit ang Kongreso kumpara sa probinsya ng Batangas kung saan ay based noon si Ate Vi.

***

Maraming natuwa na si Aga Muhlach ang makakasama nina Vice Ganda, Yeng Constantino at Sandara Park sa search for Pinoy Boyband Superstar ng ABS-CBN.

“Superstar judges” ang pakilala sa kanilang apat sa plugging ng bagong show ng Kapamilya network.

Yeng Constantino
Yeng Constantino

May ibang hindi pabor na lahat sila ay tawaging superstars lalo na si Yeng.

Kay Aga, walang reklamo at natuwa na nagbabalik-Kapamilya network na siya.

Kay Vice, lalong walang problema at talaga namang superstar ang level niya.

Si Sandara rin, sa success na tinatamasa niya sa Korea, no doubt na pasado sa tawag na superstar.

Pero si Yeng?

Anyway, kailangang patunayan ni Yeng na puwede rin siya sa title na ‘yan at dapat ay may ‘pasabog’ siya sa Pinoy Boyband Superstar show kapag nagsimula na sila, ‘noh?!

***

Speaking of Aga, maraming fans ang natuwa na malaki na ang ipinayat niya.

Nakatulong ang offer ng ABS-CBN na magbalik-telebisyon siya para ganahan siyang magpapayat.

Ang tsika kasi noon, hirap sa pagpapapayat si Aga, pero ngayon nga, obvious na nagtatagumpay na siya at konti na lang ang dapat niyang bawasin.

***

Kontrobersyal ang Lucky 7 edition ng Pinoy Big Brother.

Pinag-uusapan ang PBB dahil sa mga issue ng teen housemates.

Heto ang komento ng isang kakilala namin tungkol sa mga pangyayari sa PBB.

“Noong nakaraang PBB ay super napag-usapan ang umano’y bromance nina Kenzo at Bailey…

“Kumalat ang malisyosong mga larawan online at pinagpistahan ng netizens ang dalawa.

“Ang iba ay kinuwestiyon pa ang kanilang gender dahil lang sa kanilang closeness.

“Sa huli, lumabas din ang katotohanan na malapit lang talaga sila sa isa’t isa at mga tunay na la­laki. Nakababatang kapatid pa ang tingin ni Kenzo kay Bailey.

“Sadyang mapanghusga ang lipunan. Nga­yon season naman ay si Rita ang napagbalingan ng pansin.

“Ang walang malay na Badjao Girl ay pinalalabas na biktima ng umano’y pambu-bully at diskriminasyon sa loob ng bahay ni Kuya.

“Ang mga girls naman ngayon ay kinakastigo bilang bully, maarte, walang pinag-aralan at iba pa. May basehan nga ba para sabihin ang mga ito?

“Sa napanood ko sa kontrobersyal na episode kung saan ‘binully’ umano si Rita nang pag­laruan ang kanyang undergarment, ay tila wala namang ganoon na naganap.

“Mas mukhang away bata ito na matapos ma­laman ang pagkakamali ay agad na nag-sorry sa isa’t isa.

“Ngayon, ok na uli si Rita sa lahat at masaya naman silang nagsasama sa loob.

“Kaya minsan, mapapaisip ka, may basehan ba ang pinupukol sa PBB o sadyang malisyoso lang ang iba mag-isip?”


  • lawrence

    promo sa pbb para panoorin…