YEN, LASLAS-CHAROT ANG RELASYON SA DIREKTOR

By

ITINANGGI ni Yen Santos na may relasyon sila ni Direk Dondon Santos.

Nabibigyan kasi ng malisya ‘yung pagkaka-push ni Direk Dondon kay Yen para ­maging leading lady ni ­Piolo Pascual sa pelikulang ­Northern Lights: A Journey to Love.

Nang i-pitch ito ni ­Direk Dondon kay ­Piolo at sa Regal Films ay ­kasado nang si Yen ang gaganap na bidang babae, at pumayag si Papa P na makapareha ito.

Nagsimulang ­maging close sina Yen at Direk Dondon nang magkasama sila sa Kapamilya teleseryeng All of Me (2015).

Sey ni Yen sa amin sa presson ng ­Northern Lights kahapon, ­naririnig na niya ang tsismis na ito, pero deadma lang siya about it.

Nakakahiya raw ­dahil may asawa’t anak si ­Direk Dondon.

So, wala silang ­relasyon?

“Wala naman. Nakakalokah ‘yon! Laslas na ako! Charot!! Pero ­wala talaga, wala po,” natatawang pakli ng ­24-anyos na dalaga.

Sa katunayan ay na-meet na niya minsan ang misis ni Direk Dondon.

Headwriter ito ng It’s Showtime at ‘Ate’ pa ang tawag niya rito.

Napag-usapan nila ni Direk Dondon ang isyung ito minsan, pero pinagtawanan lang nila ­dahil hindi ito big deal sa kanilang dalawa.

Ayon kay Yen ay wala siyang boyfriend.

Balitang meron siyang manliligaw na congressman at ­governor. Natawa lang ang ­dalaga. Baka raw sunod ay ­mayor na or senator.

“Hindi ko po sinasagot, kasi hindi naman totoo, eh. Parang nag-uumpisa pa lang ako, nakadikit na ‘yung isyu na ‘yon sa akin.

“Marami pa pong ganyan, hindi ko na lang pinapansin. Pero wala po, wala talaga.

“Meron siyempreng mga umaaligid. Hindi naman ‘yon maiiwasan.”

Dati ay merong ­nanligaw sa kanyang pulitiko, pero wala raw ­siyang sinagot.

At never pa raw nakatanggap si Yen ng anumang indecent ­proposal.

Bakit may nasagap kaming tsika sa meron daw siyang 2 years old na anak sa isang politician?

“Ah, okey. ­Hindi po totoo ‘yan. Kasi po, uulitin ko, kapatid ko po ­siya and 3 years old po siya. Huwag na po ­natin siyang idamay, kasi ­bata pa po ‘yon,” ­mabilis na sagot sa amin ng Kapamilya star.

Aminado si Yen na ang layo ng age gap nila ng kapatid niya, pero totoong kapatid niya raw ito. As in pareho ang ­parents nila.

So, hindi totoong nagka-baby siya sa isang ­pulitiko?

“Hindi, hindi po. At saka kung meron, bakit ko naman itatago, ‘di ba?

“At saka kahit sa Instagram, panay naman po ang post ko. Saan ko naman ilalagay ‘yon, ‘di ba?

“Hindi naman din maiiwasan na sabihin ng iba na anak ko, kasi ang layo nga ng gap,” sambit pa ng lucky girl na katambal ni Piolo sa Northen Lights na sa March 29 ang showing sa mga sinehan nationwide.