Abante Tonite Interactive

‘Yaya’ ni Ai Ai, ‘di nakahabol sa MMFF

By
8

Hindi pala umabot ang My Mighty Yaya movie ni Ai Ai delas Alas sa MMFF 2016.

Ayon mismo kay Roselle Monteverde, ang Mano Po 7: Tsinoy lang ang naipasok ng Regal Entertainment sa MMFF 2016 deadline noong Nobyembre 2.

Imposibleng maihabol nila ang My Mighty Yaya dahil may one shooting day pa sila.

Important scenes ang kukunan nila sa one shooting day na ‘yon, kaya hindi puwedeng dedmahin ‘yon.

“We’re waiting pa ng availability ni Ai Ai. ‘Yung mga eksenang ‘yon kasi, puro outdoor. Eh, ilang beses din kasi kaming hindi nakapag-shooting dahil bumagyo.

“Eh, si Ai Ai rin naman, may commitments abroad at noon pa naka-schedule ‘yon, kaya hindi na kami umabot.

“Wala namang may kasalanan kundi ‘yung mga bagyo na dumating kaya may mga na-pack up kami na shooting,” sabi ni Roselle.

***

ISA sa napakaraming um-attend ng Cinema One Originals Festival opening night noong Linggo sa Trinoma si Bb. Joyce Bernal.

Paglapit sa amin ni Bb. Joyce, binati namin siya dahil kahit ‘picture lock’ pa lang ang pelikulang Pak Ganern, Go! (Star Cinema) ay umabot sila sa Metro Manila Film Festival 2016 deadline noong Nobyembre 2.

Si Bb. Joyce ang direktor nina Vice Ganda at Coco Martin sa nabanggit na pelikula na inaasahan nilang mapipili sa top 8 ng MMFF 2016.

“Sana nga, pumasok kami,” sabi ni Bb. Joyce.

Totoo ba ang mga tsikang nahirapan siya sa shooting ng Pak Ganern, Go! dahil parehong pakialamero sina Vice at Coco at parang tatlo silang direktor ng pelikula?

“Hindi naman totoo ‘yan. Aminado talaga ako, totoo ‘yung para akong nangangapa sa kanila noong una.

“Hindi ko pa kasi sila gamay, lalo na si Coco, pero later on, naging okey ang shooting namin.
“Malinaw ‘yon sa kanila na ako ‘yung direktor ng pelikula at hindi ko naramdaman na sila na ‘yung nasusunod.

“May suggestions, yes, lahat ng mga artista ko, ganoon. Nakikinig ako sa suggestions dahil sa mas ikakaganda ‘yon ng pelikula, pero siyempre, ako pa rin naman ‘yung nasusunod dahil ako ‘yung direktor.

“Basta ang masasabi ko, happy ako sa pelikula namin. Happy ako na nakatrabaho ko sina Vice at Coco at nakatapos kami.” pahayag pa ni Bb. Joyce.

Sa Nobyembre 18 ang announcement ng MMFF 2016 executive committee ng official 8 entries para sa nasabing filmfest.

***

Nasa opening din ng Cinema One Originals Festival ang mag-asa­wang Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan.

Sila ang power couple behind Die Beautiful ni Paolo Ballesteros.

Umaasa rin sila na makakasama sa MMFF 2016 ang kanilang pelikula na umani ng mga papuri sa Tokyo International Film Festival.

Sabi namin sa mag-asawa, marami na ang excited na mapanood ang Die Beautiful, kaya marami ang nagdarasal na pumasok sila sa MMFF 2016.

“Sana nga. Excited na rin kami,” sabi ni Direk Perci.