Yakap ni Kim, pantanggal-nerbiyos ni Xian

By

GALING daw sa trabaho, kaya late nakarating si Kim Chiu sa concert ng rumored-boyfriend niyang si Xian Lim noong Sabado sa The Theater ng Solaire.

Nagpi-piano si Xian nang may isang fan na big­lang sumigaw na nandoon na si Kim at tinutukan ng spotlight ang dalaga.

Nakita ito ng aktor at pinuntahan kaagad at humiling na mayakap ang ka-loveteam dahil ninerbiyos siya sa kanyang concert.

Kinilig ang KimXi fans nang halikan ni Xian sa may ulo si Kim.

Bago matapos ang concert, nawala na rin sa audience si Kim.

Ayon sa Star Magi­c handler ni Xian na si Gidget de la Cuesta, hindi na nakapunta sa backstage si Kim.

“Pero umalis siya sa last song naman, tinapos naman niya ang concert, pero ‘yung sa encore, wala na siya!” sey ni Gidget.

Sa performance ni Xian, pasado na raw ang aktor kahit hindi talaga siya concert perfor­mer dahil OK na OK for the fans ang performance niya.

Halos puno ang The Theater, pero ang tsika, sold-out daw ang ticket­s at malamang na kaya may ilang bakanteng mga upuan ay dahil may ibang hindi nakarating.

Fans ng KimXi ang nagprodyus ng nasabing concert, ang KATG o KimAndXian Around The Globe. Marami sa mga nanood ay galing pa abroad.

Ang next na gustong iprodyus ng KATG ay concert naman ni Kim.

***

Marami ang huma­nga sa pinost kahapon ng model/TV host na si Joey Mead King sa Instagram.

Nasa Malibu Beach, California kasi si Joey kasama ang kanyang transwoman husband na si Ian King na mas kilala na bilang Angelina King.

Sa dinner nila sa Kristy’s ay kasama nila si Caitlyn Jenner (dating Bruce).

Marami ang bumilib kina Joey at Angelina dahil sa picture na ‘yon.

At least, famous international celebrity ang kaibigan nila, huh!

***

Ogie Alcasid
Ogie Alcasid

Bago mag-Hulyo 27 ay aalis si Ogie Alcasid pa-Toronto, Canada para sa ASAP Live in Toronto.

Gustuhin man ni Ogie na isama ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid, hindi puwede dahil marami ring gagawin ang Asia’s Songbird.

May mga trabaho sa GMA 7 si Regine na hindi puwedeng iwanan, kaya hindi siya makakasama sa mister sa Toronto.

Pero may ilang bakasyon sila na ngayon pa lang ay nakaplano na kasama ang anak nilang si Nate.

Sa Agosto 27, magpi-50 y/o na si Ogie at espesyal ang selebrasyon ng kanyang golden year.

Kakaiba ang concert niya sa KIA Theater na #NakakaLokal sa Agosto 25.

Guests sa concert na ‘yon ni Ogie sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, Angeline Quinto, Yeng Constantino, anak na si Leila Alcasid at iba pa.

Wala sa listahan na nakita namin si Regine.

Pero knowing Regine na palaging sino-surprise si Ogie, malamang na la­labas din siya sa birthday concert ng mister.

Baka hindi lang ina-announce, kasi, may sa­riling concert si Regine under Viva Live.