Xiangqi: board game para sa Pinoys

By

Kailangan magamay ng mga Pinoy ang larong Xiangqi dahil kasama na ito sa 2022 Asian Games bilang regular sports.

Nilarga ang 15th World Xiangqi Championship kahapon hanggang Nobyembre 20 sa Manila Hotel.

Hindi pa kilala ang laro sa Pilipinas kaya ilan lamang sa mga Pinoy ang marunong maglaro.

Ayon sa presidente ng Philippine Xiangqi Fe­deration na si Wilson Tan, ang Xiangqi ay isang ancient Chinese game na kilala sa East Asia.

“Every year sumasali­ tayo sa Asian Xiangqi Championship, sa katunayan ay 5th ang pinakamataas natin narating anim na taon na ang nakaraan sa UK World,” ani Tan.

Tinatawag ding Chinese chess, ang Xiangqi ay isang board game na nilalaro ng dalawang players.

Pambato ng Pinoy si Engr. Asi Ching sa event na may basbas ng World Xiangqi Federation at suportado ng Filipino Chinese Amateur Athletic Federation at Philippine Sports Commission sa pangunguna ni chairman William Ramirez.

May 26 na bansa ang lumahok, nahati sa tatlong kategorya ng men’s, women’s at open.

Labu-labo sa nine-round Swiss system sa men’s, 7 rounds sa wo­men’s.