Abante Tonite Interactive

WOMEN POWER SA PSA AWARDS

By
10

Puwersa ng kababaihan ang mangingibabaw sa Philippine Sportswri­ters Association (PSA) Annual Awards Night hatid ng Milo at San Miguel sa February 13 sa Le Pavillon sa Roxas Boulevard.

Si Olympian Hidilyn Diaz ang pinakamakinang sa women power sa binuhat na silver medal sa Rio de Janeiro noong August.

Sina Woman International Master Janelle Mae Frayna at table tennis player Josephine Medina ay major awardees din sa two-hour program na co-presented ng Cignal/HyperHD. Kasama sa awardees sina Olympians Marestella Torres-Su­nang, Mary Joy ­Tabal, ­taekwondo jin Kirstie Elaine Alora at table tennis player Ian Lariba.

Gumawa ng kasaysa­yan si Frayna nang ma­ging unang Women Grandmaster ng bansa sa Chess Olympiad sa Azerbaijan.

Ang iba pang dumayo sa Rio na sina tracksters Eric Shaun Cray, boxers Charly Suarez at Ro­gen Ladon, at weightlifter Nestor Colonia ay tatanggap din ng awards mula sa oldest media organization sa bansa sa event na ­suportado ng Smart, Phoenix, Gold Toe, ­Foton, ICTSI, ­GlobalPort, Mighty Sports at Rain or Shine. Si Olympian Miguel Tabuena ang Mr. Golf.

Major awardees ang koponan ng San Miguel Beermen sa PBA, gayundin ang PHL poomsae team na naka-gold sa 10th World Taekwondo Poomsae Championships sa Peru, world bo­xing champion John­riel Casimero, golfer Yuka Saso at One Championship lightweight champion Eduard Folayang.

Ang dating imposible, binaligtad ng Beermen nang umahon mula 0-3 deficit para mag-kampeon sa 2015-16 PBA Philippine Cup laban sa Alaska.

Ang major awardees ay kinumpleto nina motorbike champ Marvin Mangulabnan, Mark Alvarez (Jockey of the Year) at Low Profile (Horse of the Year). Ang gala night ay binak-apan ng PBA, SM Prime Holdings, PSC, Accel, MVP Sports Foundation, PCSO, Meralco, NLEX at Federal Land.