WINWYN, HOPIA PA RIN SA BEAUTY PAGEANT!

By

SABI sa amin ni Mark Herras nang makausap namin ito sa set ng D’Originals, alam niyang pangarap ng nobya niyang si Winwyn Marquez ang muling sumali sa beauty pageant kaya susuportahan niya ito.

Ayon kay Mark, sinabihan niya si Winwyn na sumali ito kung gusto nito, hindi dahil nape-pressure ito ng ibang tao.

Sey pa ng Kapuso actor, puwedeng sumali ang kanyang girlfriend sa Miss World-Philippines this year dahil sa October pa ito.

O kung hindi man ay sa Bb. Pilipinas next year, tutal ay 25-anyos lang ngayon si Wyn at next year pa magtu-26.

Nang matsika namin si Winwyn sa press launch ng Mulawin vs. Ravena, ang sabi sa amin ni Wyn ay may kontrata siya sa GMA para sa nasabing telefantasya at mag-o-overlap ito if eve­r sasali siya sa Miss World PH.

Aniya, July ang submission ng application sa 2017 MWP at October ang pageant.

Dayalog sa amin ng morenang Kapuso actress, gusto niya pa ring sumali sa beauty pageant at manalo ng title, pero magandang role ang binigay sa kanya ng GMA na hindi niya mapalampas.

Proud siyang mapabilang sa cast ng MvR bilang si Ribay, ang kanang kamay ng reyna ng mga Ravena na si Rashana (Chynna Ortaleza).

Dagdag pa ni Wyn, gusto niya na ‘pag nag-compete siya ulit ay nandu’n ang buong puso niya.

Ayaw niyang i-miss ang opportunities na dumarating sa kanya nga­yon.

So, titingnan niya pa next year kung sa aling pageant siya sasali kung sakali.

***

Mark Wynwin
Mark at Winwyn

Hindi pa nagkakaroon ng chance na magkaroon ng man-to-man talk si Mark at ang tatay ni Winwyn na si Joey Marquez.

Aminado si Wyn na nu’ng una ay natural lang na medyo protective sa kanya ang tatay niya at sinabi nitong huwag muna siyang mag-boyfriend.

Pero nu’ng Holy Week ay ito pa ang nag-imbita kay Mark na sumama sa pamilya nila.

Tapos ay iniimbita na rin nito si Mark sa mga dinner nila, so unti-unti nang nagkakakilala ang dalawa.

Sey ni Wyn, may image na babaero ang fadir niya dati, pero kung ano ‘yung ipakita ni Mark ay ‘yun lang ang titingnan nito. Wala itong pakialam sa past nu’ng tao.

Ang mommy niyang si Alma Moreno ay ganu’n din.

Natural din na napag-uusapan na nila ni Mark ang kasal dahil nasa tamang edad na sila (30-an­yos na si Mark), pero wala pang konkretong plano.

Alam ng lahat na may anak si Mark sa pagkabinata. Handa na ba si Wyn na maging stepmom kung sakali?

“I came from a family that has half sisters and half brothers. Hindi na siya isyu, eh.

“And I know that my dad has been with a lot of girls. May mga ibang anak din siya. So, hindi siya isyu.

“As long as ma-explain mo sa bata, ma-explain mo nang tama kung anong nangyayari, wala namang isyu talaga, eh,” bulalas ni Wyn.

Pagdating sa pagkakaroon ng sarili niyang baby, anong sinasabi sa kanya ng mga magulang niya?

“In fairness sa tatay ko at sa mommy ko, very open-minded sila, eh.

“Sabi lang nila, ‘As long as you want to have a baby, as long as you’re ready, as long as nakatapos ka na, if you wanna have a baby, then have a baby.’

“Kumbaga, hindi naman sila ‘yung, ‘Ay naku, hindi ka puwedeng magka-baby!’ Basta sabihin mo sa kanila, huwag kang magtago.

“Ganu’n sila, which is mas okey. Kasi, hindi ka mape-pressure o matatakot sa kanila.

“My dad, ganu’n siya. ‘If you wanna have a baby, just tell us. And if you’re ready, then okay!’

“Sabi naman niya, ‘You’ll never be ready to be a mother. Malalaman mo na lang ‘pag nandiyan na.’ Ganu’n kasi kami sa pamilya eh, very open-minded.”

Sila ba ni Mark, napag-uusapan na rin nila ‘yon?

“Mas okey naman na napag-uusapan ‘yon kesa ang usapan namin, ‘O, saan tayo iinom? Saan tayo magka-clubbing?’

“It’s nice that we talk about that, kasi we’re open na ganu’n ‘yung topic.

“At least, may security ako na, ‘Ah, ganu’n na rin pala ‘yung gusto niya?’

“Ang pangit naman kung ako, gusto ko, tapos siya, ayaw niya. Mas nakakatakot ‘yon,” natatawang pakli ng dalaga.

Paglilinaw ni Wyn, naiintindihan ni Mark na wala sa plano niya ang magka-baby sa ngayon.
Pero siyempre, gusto niyang magkaroon ng mga anak balang araw.