Winalis ng CEU

By

Nagkahon si Cristine Caranto ng game-high 22 points, umayuda si Rosemarie Gayo ng 12 nilampaso ng six-time senior defending champion CEU ang PWU 73-39 para ma-sweep ang 48th Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA) basketball elims sa Assumption College San Lorenzo gym sa Makati.

Pagkatapos ng apat na kabit na pananalanta, nauna na sa finals ang Scorpions at may bonus pang twice-to-beat.

Subsob ang PWU Pat­riots sa No. 2 at makakagirian ang pumanlimang bagitong ACSL Titans sa quarters sa Linggo. Banggaan din ang No. 3 University of Makati at No. 4 San Beda College College Alabang.

Pumuntos ng 22 para sa Patriots si Julie Ann Montilla, naka-15 si Charlene Camba.