Westbrook kinapos ng one rebound


CHICAGO (AFP) — Kinapos ng isang rebound si Russell Westbrook para sana sa kanyang 18th triple-double sa season, pero ang kanyang 21 points ay sapat naman para akayin ang Oklahoma City Thunder sa 109-94 win kontra Bulls.

Ang NBA scoring leader na si Westbrook ay napanatili ang kanyang porma sa pagkamada pa ng 14 assists at nine rebounds sa panalo ng Thunder.

Ito ang ikaapat na pagkakataon rin na tumapos siyang may one point, one rebound o one assist na kulang para sa triple-double.

Hindi rin nangyari ang inaasahan sanang ‘bakbakan’ nina Westbrook at red-hot Bull forward Jimmy Butler, dahil masama ang pakiramdam ng huli, na pumigil sa kanya na dumalo sa umagang shoot-around ng Chicago.

Si Butler, NBA’s Eastern Conference Player of the Week, ay lumaro lang ng halos 29 minuto at may isang puntos, mula sa 0-for-6 sa field at kinailangang iupo sa second half dahil hindi na nito kayang lumaro.

“Obviously, we appreciate him going out and giving it a shot,” ani Bulls coach Fred Hoiberg. “But he was obviously really struggling and they sent him home after we took him out in the third quarter.”

Nagulat si Enes Kanter ng Oklahoma City Thunder nang mula sa likuran ay naunahan siya ni Cristiano Felicio  ng Chicago Bulls sa pagkuha sa bola sa rebound play ng kanilang NBA game sa United Center sa Chicago, Illinois. Wagi ang Thunder 109-94. (AFP)
Nagulat si Enes Kanter ng Oklahoma City Thunder nang mula sa likuran ay naunahan siya ni Cristiano Felicio ng Chicago Bulls sa pagkuha sa bola sa rebound play ng kanilang NBA game sa United Center sa Chicago, Illinois. Wagi ang Thunder 109-94. (AFP)

Umiskor naman si Dwyane Wade ng 22 points, may dagdag pang 15 si Michael Carter-Williams para sa Bulls.

Habang sina center Steven Adams ng New Zealand ay may 22 points, habang si big man Enes Kanter ng Turkey ay nagsumite ng 20 at 13 naman kay Victor Oladipo.

“All year long, they continue to make my job easy on both sides of the floor, defensively as well as offensively,” patungkol ni Westbrook kina Adams at Kanter.