Star-studded squad, seasoned veterans

WARRIORS DEATH LINEUP NAKAPORMA NA


Kumpleto na ang roster ng Golden State Warriors, handa na muling sumagupa para habulin ang NBA title na inagaw sa kanila ng Cleveland Cavaliers nitong naka­raang Finals.

May pinakawalan mula sa dating squad, nagdagdag ng mabangis na sundalo at buo na ang team ng superstars, mga astig na siyempre pa ay kikita ng milyong dolyar sa papasok na season.

Sakto lang, dahil ma­laki ang inaasahan sa bagong “Death Lineup 2.0” ng Warriors. May 2.0 dahil pangalawang binuong grupo mula sa dating nag-uwi ng 2014-15 championship.

Ang astig na lima at kanilang kikitain sa susunod na season?

Kevin Durant ($26.5 million), Klay Thompson ($16.7 million), Draymond Green ($15.3 million), Stephen Curry ($12.1 million) at Andre Iguodala ($11.1 million).

Sabit pa rin si Shaun Livingston, may $5.8 million sa last year ng kanyang deal.

Ang iba pa sa ­roster ni Steve Kerr ay mga ­rookies na hindi ­naman ganoon kalaki ang kontrata, at free agent vete­rans na naghahanap ng championship ring.

May tig-one year deals sina veteran big men Zaza Pachulia at David West, muli ring pinapirma si Anderson Varejao ng one-year contract. Ayon sa ulat, nasa $6 million lang ang buong kontrata ng tatlo.

Ang tatlong rookies ng team na nasa $3.3 million lang ang kontrata: Kevin Looney mula 2015 NBA Draft, first rounder Damian Jones at second rounder Patrick McCaw.


  • AGUANTA

    Steph curry yun lang ang sweldo niya?