‘Wag sumalto para walang aabuso


Sunud-sunod ang implementasyon ng batas at kautusan na nagsusulong ng disiplina at pagbabago sa publiko.

Nauna nang ipinatupad ang Anti-Distracted Driving Law (ADDL) na nagbabawal sa paggamit ng anumang uri ng gadget habang nagmamaneho na sinundan ng pagbabawal na ring mag-angkas ng mga bata sa motorsiklo.

Pinakabago ay ang ginawang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order No. 26 na nagpapatupad ng Nationwide Smoking Ban na katulad ng ipinatupad sa Davao City kung saan matagal naging mayor ang kasalukuyang Pangulo ng bansa.

Ang sa amin, kailangan talaga ang nasabing mga batas dahil para rin naman ito sa kaligtasan nating lahat gayundin ang Nationwide Smoking Ban na masyadong peligroso sa kalusugan lalo na ng mga bata.

Ang sa amin tama lamang na magpatupad ng batas hinggil dito upang magkaroon ng tamang lugar kung saan maaari lamang manigarilyo.

Tutal din naman ay para sa kabutihan ng lahat ng mga ipinasang batas at ipinatupad na EO, mainam na sundin na lamang nating lahat.

Huwag nang labagin ang anuman sa mga ito upang hindi maasunto.

Sa sandali kasing may lumabag sa anumang batas at EO na iyan hindi malayong pagsimulan na naman ito ng korapsyon dahil sa gagawing panunuhol ng mga lalabag.

Kaya ang ating panawagan sa lahat, sumunod sa mga batas at huwag na huwag dadaanin sa suhol ang mga nagawang paglabag dahil hindi masosolusyunan ng mga inimplementang batas ang mga kinakaharap na problema ng bayan kung mananaig pa rin ang suhulan.


  • guest

    Kung napanood nyo interview sa Asec, ang sabi nya, kasama daw sa law ang line of sight. Tapos nung tinanong pano ung signages ng mga jeep. Hindi daw kasama un. So tinanong uli ang sabi so, hindi bawal ang signages sa windshield? ang sagot kung nasa line of sight bawal. Labo. so wala daw sa law ang signages pero bawal ilagay sa windshield. so ang tinanong, bawal daw ba ung mga nakikita sa jeep now na signages sa harap ng salamin, wala daw sa law, hindi daw kasama. nangangapa sa isasagot ang asec nyo. Sana plinantsa nyo muna yan bago nyo ipinatupad mga bobo!

  • guest

    meron isa hinuhuli, kasi daw nakaharang sa line of sight ung waze, pero ang nanghuhuli nasa kabilang side ng sasakyan. nasan ba ang driver? nasa left side db? iba ang line of sight ng nasa left side ng nasa right side, bobo!

  • guest

    wala naman problema sana ang kaso sana pinag aralan mabuti bago ipinatupad. Ok ako sa pagbabawal ng pag gamit ng gadgets habang nagmamaneho pero andaming malabo sa batas na ito. Ung simpleng mga bagay na pinagmumulan ng kotong lalo lumobo! ewan ko ba, minsan naiisip ko, buo ba talaga pag iisip ng mga nasa pwesto? may kilala ako hindi naman gumagamit ng gadget, at ung device nya nasa tapat ng stereo at hindi naman nakaharang sa windshield or line of sight pero hinuli pa din. bobo kaung mga nagpapatupad ng batas!