VIP tickets sa concert ni Alden, may BONUS


OPISYAL nang in-announce ng GMA Network at GMA Records ang presyo ng tickets sa Upsurge concert ni Alden Richards sa Mayo 27 sa Kia Theater.

P3850 ang VIP tickets.
P2700 para sa Orchestra.
P2000 sa Loge.
P1000 para sa Balcony.

Ang unang 300 na bibili ng VIP Tickets, mabibigyan ng on-the-day rehearsal pass, pre-signed Say It Again album, at isang group photo-op with Alden Richards.

Mabibili ang tickets sa TicketNet outlets nationwide, at pwede rin sa ­opisyal na website nitong www.­ticketnet.com.ph.

***

Nakakalungkot ang mga ganap ngayon sa teleseryeng Destined To Be Yours dahil sa aksidenteng nangyari kay Tala (Kim Belles).

Ito ang magiging daan para ibenta ng pamilya ni Sinag (Maine Mendoza) ang kanilang lupain sa mga Rosales, kung saan kasama si Benjie (Alden Richards).

Matapos lahat ng happy memories nina Sinag at Benjie, ito na kaya ang katapusan ng kanilang destiny?

Umamin na kaya ang binata sa tunay niyang pagkatao?

Tutukan ang susunod na mga kaganapan sa GMA Primetime series gabi-gabi after Encantadia sa GMA Telebabad.