Abante Tonite Interactive

Vilma, Alfred, John Lloyd, Alden, Hidilyn & Mocha, tulung-tulong!

By
4

PAGKATAPOS ng halos isang taong preparasyon, naipatupad din ang mga pagbabago sa taunang Metro Manila Film Festival 2016.

Makabuluhan ang pagbabalik ng parada sa Lungsod ng Maynila.

Tuloy ang parangal para sa Best Float at ihaha­yag ito sa Gabi Ng Parangal sa Dec. 29 sa Kia Theater.

Tuloy rin ang Kids Choice Award na pangu­ngunahan ng premyadong batang aktres na si Teri Malvar bilang head kid jury.

Malugod na tinanggap ng MMFF Execom ang mga endorsement at suporta ng iba’t ibang sektor at personalidad tulad ng ating Presi­dente Rodrigo Duterte, VP ­Leni Robredo, DepEd Secre­tary Leonor Briones, Congresswoman Vilma Santos, Congressman Alfred Vargas, John Lloyd Cruz, Alden Richards, Olympic Silver Medalist Hidilyn Diaz at Mocha.

“Ngayon pa lang, panalo na tayo,” paha­yag ni MMDA Chairman Tim Orbos.

“Lampas sa anumang pansariling interes, sa huli’t huli, ang makiki­nabang rito ay ang mga tunay na tagasuporta ng pelikulang Pilipino.

“Magkita-kita tayo sa sinehan ngayong Kapaskuhan.”

MMFF 2016: Mara­ming Magagandang Fili­pino Films!