Vice Ganda panalong-panalo sa negosyo at lalake

By

LIKE his movies, blockbuster hit din ang make-up brand ni Vice Ganda,­ lalo na ‘yung lipstick niya­ na ang bili-bili, huh!

Tama ba ang nari­nig namin na P16 million kaagad ang kinita ni Vice sa first batch pa lang ng make-up na nabenta nila?

Malayo nga raw ang benta ng make-up brand ni Vice compared sa inilabas din na make-up brands ng ibang celebrities.

Hindi nga lang daw sa kanyang showbiz career bongga si Vice dahil lahat ng mga negosyong pinapasok niya ay bumobongga rin!

Napakagaling nga raw ng utak ni Vice pagdating sa mga negosyo!

And yes, kahit daw sa kanyang lovelife, maga­ling ding humawak si Vice at hindi lang basta­ pera ang pinagagana niya­, according to some people na close sa kanya!

Gay comedian sakit sa ulo ng promoter abroad

NALOKA kami sa kuwento ng isang promoter abroad tungkol sa isang sumisikat na gay comedian. Kinukuha nila ang serbisyo ni gay comedian para sa isang show abroad.

Naloka raw sila nang ang gusto ng co-manager ni gay comedian na kausap nila ay plus 2 kaagad ang entourage ni gay comedian. Pero pumayag na lang daw sila para wala na lang problema.

Ang nakakaloka, pagdating daw sa pag-apply ng work visa, pati ang requirements na dapat ay ang kampo na ni gay comedian ang mag-provide, sa kanila pa raw hinihingi.

Sa inis ng promoter, hinanap na lang niya ang contact ng co-manager sa talent department ng TV network na kinabibila­ngan ni gay comedian ­para sa taong ‘yon na lang sila makikipag-negotiate, pero­ hindi naman daw sila­ ni-reply-an.

So, para wala na lang silang sakit ng ulo, tsinugi­ na lang nila sa line-up ng mga kinukuha nila para­ sa show nila abroad ang gay comedian.