Valentines get away

By
208

Maaaring ang Valentine Day o Araw ng mga Puso ay hindi ­official holiday ngunit isa ito sa pinaka-sikat na araw sa buong taon.

Ang espesyal na okasyon na ito na minsan lang mangyari sa isang taon kaya lubusin na ang paglalamyerda kasama ang love mo.

Baguio

Mapa-Valentine’s Day man o Summer kapag taga-Luzon ka ay imposibleng hindi mo maisip o ilagay sa lista­han mo ang Baguio sa tuwing maghahanap ka ng mapupuntahan para ipagdiwang ang mga nasabing araw o ­panahong ito, lalo na ngayon at nasa 9.2 degrees Celsius ang lamig sa Baguio, ang saya-saya ng lamig na ito.

Tagaytay

Kung sa tingin niyo naman eh napakalayo para sa inyo ng ­Baguio, mas malapit-lapit at medyo maikling biyahe lang ang mai-sa-suggest ko ay ang Tagaytay.

Sikat na lugar dito ang Picnic Grove kung saan puwede kayong mag-breakfast at lunch. Maaari ring bisitahin ang Stellar Puzzle Mansion o ‘di kaya’y mag-sight-seeing kung saan matatanaw ang Taal Volcano, o pwede rin kayong mag-zipline ng partner mo para mas may thrill ang trip niyo at kung may budget pa, pwede ring mag-over night.

Boracay

Mula sa malapit ay doon naman tayo ­nga­yon sa malayo, sino ba naman ang hindi nangangarap na makapunta sa ­Boracay.

Maraming mga tao ang nagtutungo sa Boracay, asahan mo ‘yan mula Buwan ng Pebrero hanggang Buwan ng Abril, punuan lagi ang mga booking ng mga nagta-travel papunta sa Boracay, eh bakit nga ba?

Sa mga beach loving couple, masarap itong bisitahin ngayong Araw ng mga Puso, although napaka rami laging mga turista sa Boracay, pwede pa rin naman kayo roon mag-partner mag-spend ng quality time para ­maiba naman.

Baler

Sa Baler, Aurora ­naman na swak ­punta­han ng sporty couples na naghahanap ng epic action ngayong Araw ng mga Puso, may mga iba’t ibang beaches din sa ­Baler, katulad na lang halimbawa ng Digisit Beach at Sabang Beach.

At mawawala ba ang romantic ­trekking sa ­Ditumabo Falls kung saan ay pwede rin ­ka­yong mag-picnic, at kapag sinabing Baler, ­Aurora ay hindi ­kumpleto ang iyong paglalakbay doon kung hindi kayo magsu-surfing.

Sa totoo lang kahit saan naman kayong lugar magtungo o kahit manatili lang sa bahay kasama ang inyong ­minamahal o maging kasama ang buong pamilya ay oks lang, ang importante, ay maipakita mo sa iyong ini-irog ang iyong ­wagas na pagmamahal, katapatan at kagustuhang makasama siya kahit saan pa o kahit sino pa ang nakapaligid sa inyo.

So till here ulit, ­hanggang dito na lang!! Magmahalan tayong ­lahat, God Bless Us all and Advance Happy ­Valentine’s Day !!!