Valeen, mapanghalina bilang BATHALUMANG HALIYA

By

ISA si Valeen Monte­negro sa pinaka-flawless na Kapuso star kaya lutang na ­lutang ang alindog niya kapag nagsu-swimsuit siya.

Panlaban din ­niya ang kaseksihan ­niya kaya standout si ­Valeen sa Bubble girls sa summer special ng Bubble Gang na kakapiranggot lang ang suot ng mga bebot.

Kasali na ang tisay na dalaga sa Encantadia bilang gandara at mapanghalinang si Bathalumang Haliya.

Ang eksena niya ay palaging naliligo sa batis ng katotohanan, sayang at hindi bikini o skimpy swimsuit ang suot niya dahil isa siyang bathaluman ng dalawang buwan.

Kay Haliya hihingi ng tulong sina Cassio­peia (Solenn Heussaff) at Emre (Zoren ­Legaspi) para palayain ang Devas at sugpuin ang mga Etherian.

Tila isip-bata ang magandang si Haliya na paborito pala ang pagkain ng pulot.

Nakakatawa ang comments dito ng ­Encantadiks na, “May katakawan sa pulot si Haliya, bes! Masibang bathaluman!”