UST, La Salle gitgitan sa No. 4

By

Habulan ang UST at DLSU sa No. 4 slot ng UAAP Season 79 men’s football tournament.

Nitong Linggo, dinomina ng Growling Tigers ang Adamson 4-1, binokya ng Green Archers ang UE 2-0.

Angat sa 13 points ang UST para okupahan ang fourth spot, pero nakabuntot sa kanila ang La Salle na may 11.

Nanatili ang kapit ng Ateneo (23 points) nang ungusan ang NU 1-0. Naisahan din ng defending champion UP ang FEU 1-0 para akbayan ang biktima sa second place sa 18.

Ibinaon nina Renz Gumban, Marvin Bricenio­ at rookie Conrado Dimacali ang kani-kanilang second goal ng season, isa pa ang pinahalik ni Darryl Regala sa net para ihatid ang Tigers sa pangalawang panalo sa second round.

Umiskor sina Marcus Garcia at Jose Montelibano sa 26th at 53rd minutes para sa Archers, pinana ang ikalawang sunod na panalo din sa second round.


SHARE
Previous articleKaibigan ipinaholdap
Next articleMagandang dibidendo