Use it or lose it

By

Umabot na sa P8 billion ang pera ng OFWs sa Bureau of Internal Re­venue (BIR), batay sa esti­mate ng isang mambabatas. Wait a minute, papaanong nagkaroon ng pera ang OFWs sa BIR gayung exempted sila sa pagbabayad ng income tax?

Ang P8 billion ay perang naipon sa BIR mula 2011 hanggang 2015 mula sa documentary tax stamp (DTS) na P15 sa bawat P10,000 na remittances ng OFWs.

Noong 2011 nagsimula ang exemption ng pagbabayad ng OFWs ng DTS sa kanilang remittances, ngunit ang naging sistema ay sinisingil pa rin sila ng DTS at pinare-refund na lang sa BIR.

Tinatamad

Pag-uwi ng Pilipinas, either tinatamad na mag-refund ng maliit na halaga ng DTS ang OFW o totally ay hindi nila alam na may refund sila dapat sa BIR.

So from 2011 to 2015 ay umabot na nga raw sa P8 billion ang un-refunded DTS. The questions is saan dapat mapunta ang pera kung tuluyan nang hindi i-refund.

First off, kailangan siguro magtakda ng prescription period o panahon kung kelan lang pwede mag-refund. For example, say may hanggang two years lang para ma-refund.

Utilize the fund

Ang prescription period ay para magamit ng concerned government agencies ang un-refunded DTS at hindi naka-park lang sa BIR.

As to how the money would be used – whether mapupunta sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) o sa itatayong Department of OFW, pag-usapan na lang.

Ang importante ay ma-utilize ang pondo para sa kagalingan ng OFWs o non-OFWs. Baka naman kasi mawala pang parang bula ang pera, ‘di ba?

Parallelism

In a way, parang katulad ang isyung ito on a smaller scale sa exemption ng OFWs sa pagbabayad ng terminal fee sa NAIA na kinolekta at pina-refund na lang ng nakaraang administrasyon.

Ang nangyari ay maraming OFWs ang hindi na nagpa-refund ng terminal fee dahil sa haba ng pila at takot na ma-miss ang kanilang flight.

Kaya nga ang tanong noon pa sa pasaway na dating hepe ng MIAA ay saan napunta ang terminal fee na kinulekta kasama sa presyo ng plane ticket pero hindi ni-refund ng OFWs? Saan nga ba? Nagkaroon na ba ng accounting dito?

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or e-mail usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.