UAAP: UST umupo sa No. 4 spot

By

Nauwi sa scoreless draw ang laban ng University of Santo Tomas kontra De La Salle at sinikwat ng Growling Tigers ang No. 4 spot sa Final Four ng UAAP Season 79 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Field kahapon.

Puntirya ng Tigers na upuan ang No. 3 ranking sa semifinals, pero naging matatag ang Green Archers hanggang sa huli.

“We field in players without yellow cards, including the goalkeeper, so we have chances against La Salle,” saad ni UST coach Marjo Allado. “Pero disappointed sa performance ng mga players. This is the time na in 90 minutes, iso-show mo ‘yung quality mo. Siguro, some of the players are rusty.”

Nakalikom ang UST ng 21 points, haharapin nila ang elims topnotcher Ateneo sa knockout semifinals.

Makakalaban naman ng defending champion University of the Philippines ang No. 3 Far Eastern University sa isang pares ng Final Four pairing.

May 16 puntos ang Archers na liliban sa Final Four sa unang pagkakataon.

Para kay coach Hans Smit, nagsimula na ang ­rebuilding process ng De La Salle.

“This is the first day of tryouts,” wika ni Smit. “I’m glad this is over with,”