UAAP: UP MARKADO SA STREETDANCE COMPETITION

By

Pararangalan ang overall champions at Athlete of the Year sa pagsasara ng Season 79 ngayong araw sa Plaza Mayor sa loob ng University of Santo Tomas campus.

Ilalarga muna ang streetdance competition sa alas-kuwatro ng hapon bago ang coronation ng Growling Tigers bilang general champions at huli ang league’s Athlete of the Year.

Noong nakaraang season, apat ang nagsalo sa AoY – sina Ateneo volleyball superstar Alyssa Valdez, La ­Salle table tennis ace Ian ­Lariba, Ateneo tanker Jessie Khing Lacuna at Adamson softball standout Queeny Sababo.

Target ng UP na ­panatiliin ang pamamayagpag bilang mahusay na UAAP streetdance crew.

Nakatutok ang lahat ng mga mata sa Fighting Maroons na puntirya ang league-best fourth title.

Ipinakita ng UP ang kanilang tikas noong nakaraang taon upang ungusan ang two-time winner La Salle Dance Company at UST Hype.

Markado pa rin ang Maroons at liyamado sa pagsungkit ng titulo kahit graduate na sina last season’s captains Dindin Casillan at Hideo Enomoto..

Unang sasalang ang UE Armada sunod ang Adamson CAST, UST Prime, UP Street, ­Company of Ateneo Dancers, FEU Dance Company at LSDC.

Sumikwat ang UST ng pitong first place, siyam na second place at tatlong third place trophies ngayong season para makuha ang overall championship.