Tusong fixers

By

May dagdag na serbisyo para sa lahat ng subscribers ang Metro Fastbet ng Metro Manila Turf Club.

Nagsimula noong nakaraang linggo ang pagbubukas nito hanggang kinabukasan para ma-review ng mga meron nito ang kanilang mga naging taya at pati na ang resulta ng bawat karerang nagdaan.

So, kung matapos makataya ay hindi na ninyo nabuksan uli ang inyong Metro FastBet sa buong araw ng karera, makikita ninyo ang mga resulta kinagabihan pagkatapos ng mga karera hanggang kinabukasan.

Panibagong serbisyo ito dahil nauna nang nagkaroon ng Race Results Text Blast ang mga subscribers ng Metro FastBet na nabibigyan sila ng resulta kada karera sa MetroTurf Racing Complex.

***

Lagpas 25 ang mga ipinasaradong off-track betting stations (OTBs) ng Games & Amusements Board noong isang linggo dahil sa kawalan diumano ng kaukulang business permits mula sa city hall.

Nakasaad ito sa pinakabagong kautusan ng GAB, makikita rin na inilagay dito ang off-arena betting stations (OABs) na para naman daw sa Sabong Online Betting.

Ang pagre-renew ng mga lisensya mula sa BLPO ng isang lungsod ay magandang pinagkakakitaan ngayon ng mga “tusong fixers” sa city hall dahil sa kakulangan ng guidelines mula sa kanilang Sanggunian kung magkano ang dapat na bayaran at kung ano ang dapat na lisensiyang kukunin para sa kanilang mga negosyo.

May nagpakita pa nga sa atin kamakailan na mga papeles ng pinagbayaran sa isang malaking lungsod sa Kamaynilaan na halos P2,500 lang ang may official receipt pero may mga kaukulang bayarin pa na lumagpas P10,000 pero walang opisyal na resibo. Tsk..tsk…tsk…