Tulong na may kapalit


Dear Sir:

Sinusuportahan ko ang desisyon ni Pangulong Duterte na huwag tanggapin ang tulong na inaalok ng European­ Union (EU) na nagkakahalaga ng P13 bilyon. Bakit kamo? Dahil hindi ‘yan magbibigay ng tulong kung walang kapalit.

Tama ang Pangulo. Maaaring makialam sila sa pamamalakad ng ating gobyerno.

Sa hindi pagtanggap­ ay maari ring magkaroon ng negatibo. Nandiyan ang mapawalang-bisa ang 27 trade agreements sa mga nasabing bansa.

Maari ring mawala ang tariff-free exports and incentives na ibinibigay sa atin ng EU. Ito ay kung gumanti sila sa ating pamahalaan.

Kung tunay na sila ay may malasakit sa mga developing countries, hindi nila ito gagawin. Dahil malaking epekto ito sa ating ekonomiya dahil mababawasan ang exchange revenues at pagkawala ng mga trabaho.

Alam naman natin na mga negosyante ang mga iyan. Alam nilang paano paglaruan sa kanilang mga kamay ang bansang Pilipinas. Kung paano busalan ng bibig at paano makialam sa mga internal affairs ng bansa.

Mabuti na lang, mayroon tayong Pangulo na nag-isip-isip. Hindi lang basta sunggab ng sunggab sa mga inaalok ng mga dayuhan. Oo mala­king halaga ang mawawala.

Malaking tulong ito sa ating mga kababayan. Pero payag ba kayo na makialam ang ibang tao sa pamamalakad ng sarili nating tahanan? Natu­ringan na isa tayong bansang malaya?

FILOMENA A. MARTIN

Valenzuela City


SHARE
Previous articleALYSSA, MIKA SWAK SA NATIONAL POOL
Next articleJOB 29:4