Tulak sa Bulacan napatay

By
148

Isa pang armadong tulak ng shabu ang napatay makaraang kumasa sa mga awtoridad sa buy-bust ope­ration sa Pandi, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Chief Insp. Manuel de Vega, officer-in-charge (OIC) ng Pandi Police, ang suspek sa alyas na ‘Hugar’ na nasawi matapos magtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan at makuha sa kanyang pag-iingat ang isang caliber .22, at apat na pakete ng shabu.

Bandang ala-una ng madaling-araw nang maganap ang engkuwentro sa Sitio Kataasan, Brgy. Bagbaguin sa nasabing bayan.

Nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kaya nanlaban dahilan upang mapatay ng mga awtoridad.