Tserman at 3 pa arestado sa Sarangani drug raid

By

Kalaboso ngayon ang kapitan ng Barangay Tinoto at tatlong negosyante sa magkakahiwalay na drug raid sa Maasim, Sarangani kahapon.

Tinukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na sina Barangay Captain Rajik Kudarat, Romeo Gulam, at mag-asawang Jhon at Rosa Hailen.

Nasamsam mula sa bahay ni Kudarat ang dalawang baril kabilang ang 9mm Ingram at M2 Rifle at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Kasunod na sinalakay ng raiding team ang bahay ng negosyanteng si Gulam kung saan nasamsam ang tatlong M16 Rifle, isang carbine, mga toy guns, at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Huling pinasok ang bahay ng mag-asawang negosyanteng Hailen na nakumpiskahan ng tatlong sachet ng shabu, P1M cash at ATM cards.