Trudeau sinupalpal ni Roque

By

Nanindigan si Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nito narinig na pinag-usapan nina Pa­ngulong Rodrigo Duterte at Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang isyu ng extrajudicial killings.

Sa kanyang press conference kahapon sa International Media Center, World Trade Center sa Pasay City, sinabi ni Trudeau na nabuksan niya ang isyu ng extrajudicial killings kay Pangulong Duterte bago magsimula ang ASEAN-Canada 40th anniversary commemorative summit.

Ayon sa Canadian Prime Minister, naging bukas naman aniya si Pangulong Duterte sa pakikinig sa kanyang mga komento at maayos at positibo ang kanilang palitan ng kuro-kuro.

Pero sinabi ni Secretary Roque na posibleng binuksan ni Trudeau ang kontrobersiyal na isyu sa kanilang pribadong pag-uusap ni Pangulong Duterte dahil hindi aniya nito narinig sa alinmang public meetings sa panahon ng ASEAN Summit.

“If he did, he did so privately. Didn’t hear it in any of the public meetings,” ang pahayag ni Roque sa kanyang text message.

Bukod sa isyu ng extrajudicial killings, sinabi ni Trudeau na binanggit niya rin sa Pangulo ang isyu ng human rights at rule of law dahil ang mga ito ang concern ng kanyang bansa.