Tren nadiskaril 23 patay

By
467

Aabot sa 23-katao ang nasawi habang nasa 100 naman ang sugatan matapos na nadiskaril ang isang tren sa southeast India kamakalawa.

Sa ulat ng Agence France-Presse, walong coaches at ang makina ng Jagdalpur-Bhubaneswar ­express ay nadiskaril dakong alas-11:00 ng gabi malapit sa Kuneru railway station sa Vizianagram district ng Andhra Pradesh state.

Kinumpirma ng taga­pagsalita ng East Coast Railways na si J.P. Mishra ang bilang ng mga nasawi kung saan ang mga suga­tan ay dinala sa malapit na mga ospital.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa tunay na dahilan ng aksidente.


SHARE
Previous articleLOTTO RESULT 01/22/2017
Next articleFUN PAGE 01/23/2017