TransSportShow

By

Mainit na pagtanggap ng motoring enthusiasts ang inaasahan sa pagsisimula ng TransSportShow ngayon (Abril 20) hanggang Linggo sa SMX ­Convention Center sa Mall of Asia.

Matindi ang mga aktibidad sa motoring event na ngayon ay nasa ika-26 na edisyon na at patuloy na tinatangkilik ng local at foreign motoring enthusiasts.

“From its inception in 1992 as a general automotive show, Trans Sport Show has evolved into a successful brand, transcending its category as just a car show to becoming part of the Filipino car enthusiasts’ culture. It is the car enthusiasts’ venue of choice for creative self-expression through their automobiles.  It is a ‘super familiar’ product that car lovers of all ages easily identify with, so much so that when they think of car shows, they think Trans Sport Show–a phenomenon where the brand is now a household name,” ang sabi ni Sophie delos Santos, pangulo ng organizer na Tradeshow International, Inc.

Dito makikita ang pinakamagagaling na show cars sa bansa at suportado ng matitinding car shops, restorers, craftsmen na pulos tinitingala sa automotive industry.

Ngayong taon, mahigit 90 ang lumahok na historics o classics hanggang mga modelong kotse na maglalaban-laban para sa TransSportShow Cup Best of Show Awards sa Contemporary at Nostalgic.

Sa event din ipakikita ng Isuzu Philippines ­Corporation ang lahat ng kanilang pambatong Trucks na ngayon ay kaisa sa pagpapalakas ng ­ekonomiya ng bansa.

Dalawang iconic personalities ng Honda Spoon Sports ang ipapakilala ng DZ Racing sa Biyernes, sina Spoon Sports founder Tatsuru Ichishima at Daijiro Inada ng Options Magazine. Ilulunsad din dito ang 4th Tour de Cebu, ang 1,000-kilometer historic car rally sa buong Visayas.