Top 1,000 firms lalo pang yayaman

By

Lalong yayaman ang mga may-ari ng top 1,000 firms sa Pilipinas dahil makakatipid ang mga ito ng P105 billion sa buwis kapag naibaba na sa 25% mula sa kasalukuyang 30% ang corporate tax sa bansa.

Ito ang pagtatayang ginawa ni Buhay party-­list Rep. Lito Atienza­ kaya naman hiniling nito sa mga kumpanya na iba­hagi naman ang kanilang matitipid na buwis sa kanilang mga empleyado.

Kasama ang pagbabawas sa corporate tax sa Tax Reform Package na dinidinig ngayon sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso na ina­asahang pagdedebatehan sa pagbalik ng Kongreso sa kanilang trabaho sa Mayo 2.

“Corporations are bound to generate subs­tantial cost-savings from the five-percentage point cut in the applicable income tax rate, and we are counting on them to use some of the extra money to help raise the living standards of their workers through higher salaries as well as non-wage benefits,” ani Atienza.

Kasama ang mga manggagawa sa babawasan ng buwis dahil iba­baba sa 25% ang kasalukuyang 32% income tax ng mga ito subalit tiyak na tataas din ang presyo ng mga bilihin dahil itataas ang buwis sa mga produktong petrolyo.

Dahil dito, sinabi ni Atienza na hindi mararamdaman ng mga manggagawa ang bawat buwis na ito kaya nararapat lamang umano na ibahagi rin ng mga kumpanya sa kanilang mga empleyado ang kanilang matitipid sa corporate tax.

“In fact, once we’ve lowered the income tax rate, we are hoping that many corporations will start voluntarily adopting the profit-sharing plan for employees that we’ve been proposing,” ayon sa kongresista.

Nararapat lamang, aniya,­ na alagaan ng mga kumpanyang ito ang kanilang mga empleyado­ dahil ang mga ito ang nagpapalaki at nagsisikap na mapalaki ang kanilang negosyo.

Maliban dito, umaasa­ rin ang kongresista na ang dagdag na kita sa mga kumpanyang ito ay gagamitin din nila sa pagpapalago ng kanilang ­negosyo upang madagdagan ang trabaho sa bansa.