Toe the line

By

Might as well na pinalitan na ang hepe ng Department of Foreign Affairs (DFA) hindi lang dahil sa kanyang citizenship issue kundi sa kanyang pronouncements na diametrically opposed sa po­licy ng Duterte administration.

Ang tinutukoy ko ay ang mga pahayag ng dating hepe ng DFA noong Feb. 27 sa Switzerland na direktang kumontra sa nais ni Pangulong Duterte na magtayo ng isang Department for OFWs.

Agad pumasok sa isip natin ang kasabihan na: “Kapag gusto may paraan at kapag ayaw ay mara­ming dahilan.” Daming palusot. Ang dami nga kasing dahilan like kesyo duplication lang daw ng functions ng DFA, DOLE at attached agencies ng dalawang departamento ang planong OFW Department. Sayang lang daw ang pera. Magbibigay rin daw ng maling signal na umano’y nais ng pamahalaan na sa abroad na magtrabaho ang mga Filipino kahit dumating ang panahon na magkaroon ng patrabaho sa kanila sa Pilipinas. Holistic daw dapat ang solusyon at ito ay ang pag-generate ng trabaho sa Pilipinas para hindi na kailangan ng mga Filipino na mangibang bansa. Last generation first off, si President Duterte ang nagsabi na gusto n’ya nga na maging huli na ang current generations ng OFW.

Gusto nya may patrabahong lokal para hindi na kailangan pa mangibang-bansa ni Juan dela Cruz para kumita.

Pero wala namang conflict sa statement na ‘yan sa plano niya na magtayo ng OFW Department upang mas mabigyan ng proteksyon ang OFWs. Why? At the end of the day, malinaw na kulang pa rin ang efforts ng DFA, DOLE at attached agencies ng mga ito tulad ng Office of Migrant Workers Affair ng DFA at OWWA, at POEA ng DOLE) para proteksyunan ang OFWs.

‘Yung ang bottom line para wala nang pwede magpalusot kung may problema ang OFWs. In the past kasi laging hugas-kamay ang DFA at DOLE by saying part lang ng trabaho nila ang OFWs.

Buck-passing eh pero kung may OFW Department, the buck stops at that department kapag may issue concerning OFWs. Walang buck-passing, walang hugas-kamay.

At bakit magkakaroon ng duplication of roles kung sa pagtatatag ng OFW Department ay kukunin na nito ang lahat ng OFW-related agencies under one roof? Paano rin masasayang ang pera gayung mas magiging focused ang delivery ng services sa OFWs?

Sa totoo lang, ini-encourage sa kahit anong organization ang diverse opinions pero in the case of cabinet officials, once nagbigay ng pronoucement ang Pangulo ‘yun na ‘yun — either you toe the line or you ship out.

***

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments or questions.