TNT KOKONEKTA NG LIMA

By

STANDINGS
TEAMS             W-L
SMB                 4-0
Meralco            6-1
Alaska              4-1
TNT                  4-1
Ginebra            3-1
Rain or Shine        4-2
Star                  4-2
Phoenix           2-4
GlobalPort       1-4
Blackwater      1-5
Mahindra         1-6
NLEX                0-7

Games ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — Alaska vs. Phoenix Petroleum
7:00 p.m. — GlobalPort vs. TNT KaTropa

Tutuntungan ng TNT KaTropa ang GlobalPort para makaderetso sa five-game winning streak bilang ­paghahanda pagkaraan sa killer stretch sa PBA Commissioner’s Cup na pa-halfway mark na ang elims mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Baligtaran ang kanilang win-loss record kung saan may 4-1 ang TNT at kasosyo sa third ang Alaska­ ­samantalang may 1-4 ang GP para sa ninth spot, pero tinuturing ni Nash Racela na acid test na rin ang ­kasalpukan sa seven o’clock.

Hindi masisisi ang Texters coach dahil nais ng ­Global na maka-back-to-back W sa unang pagkakataon at pagningasin ang paghahabol sa Top Eight. Naka-breakthrough 85-82 win ito laban sa NLEX noong April 12.

“It’s good to be where we are right now but the tough challenges are ahead of us,” matipid na tugon ni Racela, na pagkatapos ng Batang Pier ay ang ­tatlong SMC teams ang mga haharapin — San Miguel Beer, Ginebra at Star.

Kina Donte Greene, Jayson Castro at Ranidel de Ocampo nakapokus ang depensa ng Batang Pier na kakampayin nina Malcolm White, Terrence Romeo at Stanley Pringle. Huling nadistrungka ng Texters ang Mahindra, 86-84.

Sa alas-4:15 ng hapon, bangunan sa mga balabag nila ang Aces (4-1) at nasa eight place na Phoenix Petroleum (2-4).

Natikman ng Aces ang 91-99 loss sa Meralco ­samantalang magkasunod na bumalandra ang Fuel Masters na ang pinakabago ay sa defending champion­ Rain or Shine, 94-96.