Tiyo tinalo habang nagdadalamhati

By

Pinaghahanap ngayon ang dalawang lalaki, kabilang ang isang 19-anyos na lalaki na pamangkin ng biktima matapos tangayin ang P40,000 halagang ng mga alahas kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila.

Inireklamo ng biktimang si Leonito Ferrer, nasa hustong edad ang pamangkin na si Ale­xander at isa pang hindi nakikilalang suspek.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, nadiskubre umano ni Ferrer, na nawawala na ang kanyang mga alahas sa kanyang unit sa residential building sa San Nicolas St., Binondo, Maynila.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nagtungo umano si Ferrer sa burol ng kanyang kapatid dakong alas-tres ng hapon at kinabukasan, nang ito’y magbalik nagulat na lamang ito nang makitang magulo ang mga kagamitan nito.

Nadiskubre na nawawala na ang kanyang mga alahas, bukod sa P15,000 cash, cellphone accessories at apat na white gold na kuwintas na aabot sa P25,000.

Nag-usisa umano ang biktima sa sekyu ng gusali at nalaman na ang kanyang pamangkin, kasama ang isa pa, ang pumasok sa kanyang unit bandang alas-11:50 ng hatinggabi.


SHARE
Previous articleSM North nasunog
Next articleKagawad ng Bulacan pinatay