TIMOTHY, NATAKOT SA DIREKTOR

By

AYAW pang kumpirmahin sa amin ni Timothy Tan (estranged husband ni Sunshine Dizon) kung kailan siya magsasampa ng demanda laban sa nambugbog umano sa kanya.

Ang tinutukoy niya eh ang asawa ni Clarisma Sison na si Robert Sison.

Ang dinig kasi namin, magkakaroon ng inquest ngayong araw, pero tapos na raw ito, ayon kay Timothy.

Wala raw muna siyang maibigay na detalye sa mga plano niya, dahil nag-uusap pa sila ng abogado niya.

Kung sakaling magdemanda siya, may idadamay siya bukod kay Sison.

Ang tinutukoy niyang idadamay sa demanda ay ang director ng ABS-CBN 2 na si Roderick Lindayag.

Hindi raw niya ito kilala, pero alam niyang taga-ABS-CBN 2 dahil iyun daw ang pakilala sa kanya.

Nang rumesponde raw sila nang magsisigaw na si Robert pagkatapos nilang magsuntukan, sinabi raw ni direk Lindayag na tipong, “Hindi mo ako kilala? Diyan lang ako sa tapat (na ang tinutukoy niya eh ABS-CBN 2),” kuwento ni Timothy.

Sabi pa raw sa kanya, kaya siyang ipa-headline nito kinabukasan at kaya rin daw siyang ipatumba.

Natakot si Timothy, dahil hindi raw niya kilala ang mga ito.

Sinabi lang namin sa kanya na ang pagkakaalam namin ay mabait ang naturang direktor dahil nakikita namin siya noon sa GMA 7 nu’ng nagdidirek pa siya roon ng mga drama series sa Kapuso network.

Hindi namin alam na lumipat na pala siya ng ABS-CBN 2.

Sinubukan naming mahingan ng pahayag si Direk Dick Linda­yag, pero wala na kaming access sa kanya dahil nasa Kapamilya network na ito.

Bukas ang column na ito sa sagot ng naturang direktor para sa kanyang panig.