THIRD SILVER SINISID NI ALKHALDI

By

Kinulimbat ng Philippine swimming queen na si Jasmine Alkhaldi ang kanyang third silver medal Sabado ng gabi sa 48th Singapore National Age Group Swimming Championships sa OCBC Aquatic Centre.

Sumegunda ulit ang 24-year old Filipina-Arabian tanker sa women’s 200-meter freestyle superfinals sa time na 2:02.52, isa pang qualifying time B para sa 17th World Swimming Championships sa Hulyo 14-30 sa Budapest, Hungary.

Silver medalist din ang two-time Olympian na si Alkhaldi sa wo­men’s 100m freestyle sa 56.20-second clocking noong Miyerkules, kapos ng 0.26 ticks sa best time at Philippine national record nyang 55.94, pero mas mabilis sa 56.82 QTB kaya nag-qualify na rin siya sa Budapest World Championships.

Pangalawa ring dumating si Alkhaldi sa women’s 18 & Over division sa 1:01.73 noong Huwebes.

Ang Singaporean na si Ting Wen Quah (2:01.79) ang nag-gold sa W 200m FS.

Sina Alkhaldi at Quah, pati si Natthanan Junkrajang na hindi sumali sa Singapore Nationals, ang mga nagdodomina sa 100 at 200 FS events sa Southeast Asian region sa nakaraang limang taon.

Magkikita-kita ulit ang tatlo sa August 19-31 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia, makakaharap nila ang mga batang manlalangoy sa rehiyon.

Pero malaki ang pag-asa ni Alkhaldi na masikwat na ang gold, lalo’t pinangako ni Philippine Swimming Incorporated secretary general Lani Velasco na bibigyan siya ng magandang preparasyon pa-SEA Games.