Thinking out of the box

By

Pinag-usapan natin kamakailan ang downward trend ng OFW remittances mula sa 8-7 percent growth rate tungo sa 3.8 percent noong 2015 at ngayon nga ay projected na 4 percent growth rate para sa 2016.

Pwedeng sabihin na binasa lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “handwriting on the wall” nang sinabi niya na kailangang palakasin ang local job market upang hindi tayong maging dependent sa foreign job vacancies.

Kumbaga ay ayaw ng kasalukuyang administrasyon na ma-hold hostage tayo sa dynamics ng foreign job markets tulad ng nangyayaring tanggalan ng OFWs sa Middle East dahil sa pagbaba ng presyo ng krudo.

Downsizing

Take for example ang Saudi Arabia na hindi suka’t akalaing nag-downsize ng foreign workers o kaya ay nagbilang ng mga kumpanyang kailangang isara dahil sa paghina ng kita.

Kahit sa Amerika, lalo na sa papasok na admi­nistrasyon ni US President-elect Donald Trump, ay nagkakaroon ng emphasis sa pagbibigay ng prio­rities sa local job creation.

Jobs in America for Americans — iyan ang seeming battlecry ng Trump administration, na masasabing parallel sa nationalization moves sa Middle East.

Belt-tightening

Ano ba yang nationa­lization efforts sa Middle East na aking tinutukoy? Walang iba kundi ang pagbibigay prayoridad sa mga local worker para sa mga local na patrabaho.

Sa UAE, Kuwait at Saudi ay nagkakaroon ng headway ang nationa­lization campaign dahil nga sa paghihigpit ng sinturon nila. Ang thinking ay bakit ibibigay sa expat workers tulad ng OFWs ang patrabaho kung kaya naman ng local workers.

So, talaga namang napapanahon na upang pa­lakasin ang mga industriya sa Pilipinas nang sa ganun ay hindi na makipagbrasuhan pa ang mga Fi­lipino sa mga patrabaho sa ibang bansa.

In-demand locally

Sa harap nito, dapat talagang pagtuunan ng pansin ang K-12 program na sa unang taon ngayong 2017 ay tatanggap ng Grade 12 students.

Kung dati-rati ay nakafocus tayo sa kung anong mga patrabaho at kurso ang in-demand sa abroad, ang attention natin dapat ngayon ay anong mga kurso ba ang kailangan natin talaga para lumakas ang lokal na ekonomiya at ating mga industriya?

We must now think out of the box kung finally ay matutuldukan natin ang pagiging overly dependent natin sa foreign job markets.

***

Come follow Me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your questions and queries.