Abante Tonite Interactive

Tetchie, gurang na DARNA sa teatro

By
29

USO talaga ulit ang Pinay superhero na si Darna.

Inaabangan ang bagong Darna movie na pagbibidahan ng Millennial Darna na si Liza Soberano.

Maging sa teatro ay may Darna rin.

Abante Hiring – IT dep

Nakasabay naming manood ng The Mummy sa TriNoma si John ‘Sweet’ Lapus at excited niyang ibinalita sa amin ang gagawin nilang play na ang pamagat ay Hindi Ako si Darna.

Hindi si Sweet ang gaganap bilang Darna kundi si Tetchie Agbayani.

Parang na-excite kami sa kuwento ni Sweet na ang istorya ay matanda na si Darna at graduate na ito sa pagiging superhero, pero hinihimok ito ng mga taumbayan na bumalik ulit sa dati nitong ginagawa na pagtulong sa mga tao.

Tetchie DarnaAni Sweet, ang gusto ng direktor nilang si Andoy Ranay ay isang iconic Pinay na mature na ngayon, kaya ang pinili nito ay si Tetchie.

55-anyos na si Tetchie na gumawa ng matinding ingay nu’ng ‘80s nang mag-pose ito sa German edition ng Playboy magazine.

Nakagawa rin siya ng ilang pelikula noon sa Hollywood. Aktibo pa rin si Tetchie sa telebisyon at huli siyang napanood sa Kapamilya soap na The Greatest Love.

Kuwento pa ni Sweet, ang saya ng rehearsals nila at natutuwa sila kay Tetchie.

Si Sweet ang gaganap bilang Valentina. Kasama rin sa cast sina Kim Molina, Ricci Chan, Jay Gonzaga at Ekis Gimenez.

Ang Hindi Ako si Darna ay bahagi ng Virgin Labfest 13: Wagas.

Ang Virgin Labfest ay taunang festival ng unpublished, unstaged, untried and untested works for the theater na ginaganap sa Cultural Center of the Philippines.

Nasa Set B ang Darna play ni Direk Andoy. Hanggang Set E ito, na tig-tatlong plays per set.

Mapapanood ang Virgin Labfest this year sa June 28-July 16 sa Tanghalang Aurelio Tolentino (Little Theater) ng CCP.