Teleserye ni Marian, hitik sa aral at aksyon


SUPER MA’AM na ang titulo ng bagong teleserye ni Marian Rivera sa GMA 7.

Kuwento ito ng isang teacher na merong kakaibang powers at kung paano niya mapapatino at mababago ang buhay ng kanyang mga pasaway na estudyante.

Puno ito ng action at adventure, at hitik ng aral para sa mga kabataan.

***

Ang teleseryeng My Korean Jagiya naman ay kuwento ng isang Filipina na fan ng isang Korean actor.

Nagte-taping ito sa Korea, at bida rito ang Philippine TV’s Sweetheart na si Heart Evangelista.

Katambal ni Heart sa serye ang isang Korean actor.

***

Balik-TV si Sen. Manny Pacquiao sa inspirational program na Stories for the Soul ng GMA 7.

Babalik din ang musical reality competition na Lip Sync Battle Philippines.

Abangan din ang Book 2 ng Alyas Robin Hood nina Dingdong Dantes at Andrea Torres.