TEEN F4 DRIVER KRITIKAL


LONDON — Higit sa $220,000 na ang umabot na tulong-donasyon para sa British racing driver na naputulan ng legs at ngayo’y nasa coma matapos masangkot sa high-speed crash.

Nakikipagbuno pa rin sa kamatayan si Billy Monger, isang 17-year-old Englishman, nang bumangga ang kanyang car sa isang Finnish ­rival sa British F4 race sa Donington Park noong Linggo.

Sa Onboard footage camera tumatahak ang kotse ni Monger sa likod ng stationary car ni Patrik Pasma sa FIA-sanctioned series. Makalipas ma-trap sa kanyang sasakyan ng isa’t kalahating oras sa central England circuit, tinakbo si Monger na naka-airlift sa pinakamalapit na hospital sa Nottingham.

Pero binanggit ng British F4 officials na si Monger ay nasa krikal pa pero patuloy ang pagbuti ng kalagayan.

“Due to the injuries sustained and despite every effort, Billy has sadly had both lower legs amputated,” anila sa statement. “He has been kept in an induced coma while undergoing surgery, from which he is expected to be woken in the next few days.”

Nanghihingi ng donasyon ang pamilya ni Monger para mapondohan ang kanyang pangangalaga, gamot at therapies lalo’t nais ng tinedyer na makabalik pa rin sa aktibong pamumuhay.

Umabot na noong Miyerkules ng gabi ang total sa £173,000 (US$221,000) mula sa £260,000 target.

“Having always been a fighter Billy has already overcome big hurdles in his career,” wika ng pamilyang Monger sa fundraising website.