Tandem na holdaper dedo sa QC

By

Patay ang dalawang holdaper matapos manlaban sa operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Station 5 sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City, kaninang madaling araw.

Nakahandusay sa gilid ng Masbate St. sa Brgy. Batasan Hills ang mga hindi pa nakikilalang suspek.

Nakasuot ng orange na tshirt at itim na pantalon ang isang suspek, habang gray na jacket at fatigue na short ang suot ng isa pa.

Ayon sa biktimang si Jessable Ranido, 22, isang travel agent, hinoldap siya ng tandem at sapilitang kinuha ang kanyang bag.

Nakahingi ito ng tulong sa mga napadaang riders para ipagbigay alam ang insidente sa QCPD Station 6 kaya mabilis na nasakote ang mga holdaper.

Nanlaban umano ang tandem sa checkpoint ng QCPD kaya napilitang gumanti ng putok ang mga pulis. Dead-on-the-spot ang dalawang holdaper at narekober sa mga ito ang dalawang cal 45 na baril at ang ninakaw na bag na may lamang cash, cellphone at mga personal na gamit.