Abante Tonite Interactive

Taki, kuya-kuya ang turing kay Kenneth

By
Trops Groufie
115

Pasok din sa millennial cast ng Trops ang 16-an­yos na si Taki, na bukod sa Calle Siete ay regular na ring napapanood sa Eat Bulaga kasama ng mga BAE.

Thankful ang dala­gang quarter Japanese-Filipino-Spanish-Brazi­lian na kasama siya sa bagong youth-oriented show na papalit sa Calle Siete.

Pinagla-loveteam sina Taki at Kenneth sa Calle Siete. Sa Trops ay makaka-love triangle nila si Miggy.

Sey ng tisay na dalagita, lahat ng BAE ay mababait at magaan kasama kaya pantay-pantay ang tingin niya sa a­nim na boys.

Maging si Kenneth ay kuya-kuya ang tingin niya.

Sundot ni Ken, mas naa-attract ang girls kay Tommy dahil mahilig itong magdasal at parang pastor na mabait.

***

BIBIDA na ang anim na BAE ng Eat Bulaga sa bagong morning series ng GMA na Trops.

Sasabak na sa akti­ngan ang THAT’S MY BAE finalists na sina Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor, Miggy Tolentino, Joel Palencia at ang grand winner na si Kenneth Medrano.

Pang-millennials ang bagong pre-programming ng Eat Bulaga na produced din ng TAPE, Inc.
Sobrang excited at overwhelmed ang anim na BAE na meron na silang show.

Sabi ng Cebuano na si Kenneth, bagong challenge sa kanya ang emo character niya sa Trops after ng una niyang regular series na Calle Siete.

Ang Fil-British na si Kim ay nasa Sunday PINASaya, pero live show ‘yon na pa-comedy at t­heatrical ang atake.

Sa Trops ay mas may acting na involved kaya challenge ito sa Ingliserong binata, na nabubulol sa mga Tagalog niyang linya, pero matiyaga ang direktor nilang si Linnet Zurbano.

Hirit ng Fil-Am na si Jon na magaling suma­yaw, iba ang dancing sa acting sa harap ng kamera. Ipapakita nila sa show na hindi lang sila dancer kundi marunong din silang umarte.

Ang isa pang dan­cer na si Miggy ay parang hindi pa makapaniwala na binigyan sila ng sarili nilang show.

Kinakabahan pa rin siya, pero nagpapasalamat si Miggy na nabigyan sila ng chance na umarte sa TV kaya gagalingan nila.

Ang 6-footer at pinakamatangkad sa a­nim na si Tommy ay enjoy sa set nila dahil masaya lang sila sa taping at hindi raw nila ramdam na nagtatrabaho sila.

Good vibes lang palagi.

Si Joel na isa pang astig sa dance floor ay da­ting nagta-talent sa mga show. Gusto niya ring ma-experience ‘yung mga role na ginagampanan ng mga artista.

Kaya sobrang saya ni Joel na ‘yung dream niya ay natupad na. Isa siya sa cast ng Trops kaya tuwang-tuwa siya at very excited.

Dayalog ni Kenneth, walang special treatment sa kanya sa grupo kahit siya ‘yung tinanghal na winner.

Pantay-pantay daw silang anim at para silang magkakapatid na magkakaiba ang mga magulang.

Parehas daw ang takbo ng mga utak nila kaya magkakasundo sila at walang awayan.

***

Bukod kay Taki, ka-join din sa cast ang da­lagang anak ni R­uby R­odriquez na si Toni Aquino at ang baguhang si Kate Lapuz.

Tsika ni Toni sa presscon ng Trops, nakakasama na niya ang mga BAE ‘pag dumadalaw siya sa studio ng Eat Bulaga.

Sobrang best friend niya si Taki, na offcam ay clingy sila sa isa’t isa. Ang mga BAE ay parang kuya ang tingin ni Toni na nakakabiruan niya.

Tampok sa Trops ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng millennial gene­ration. Kung paano ang pagbu-boyfriend-girlfriend sa panahon nga­yon, ang pagkahilig ng mga bagets sa gadgets at social media at kung anu-ano pa.

Sa Lunes (October 24) ang simula ng Trops sa GMA bago mag-Eat Bula­ga.