Taas-pasahe sa jeepney phaseout

By

Nagbabala ang isang grupo ng mga jeepney driver­ at operator na magtataas ng singil sa pasahe kapag ­itinuloy pa rin ang pag-phase-out ng jeep.

Sinabi ni George San Mateo, secretary general ng Pinagkaisang Samahan ng mga Jeepney Drivers at Ope­rators Nationwide (PISTON), tiyak na hihirit sila ng ­taas-pasahe para mabawi ang puhunan sa pagbili ng mga bagong sasakyan.

Sa ngayon umano ay naglalaro sa P1.2 milyon hanggang P1.6 milyon ang presyo ng bagong unit ng jeep na pasok sa kalidad na hinahanap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nabatid pa mula kay San Mateo na may ilang ope­rator ang nakumbinsing bumili ng bagong jeep dahil na rin sa pangako umano ng LTFRB na papayagan ­silang magtaas ng pasahe.

Kaugnay nito, muling iginiit ng PISTON na sa halip na phaseout ng mga lumang jeep ang ipatupad ay makabubuting magkaroon na lang ng rehabilitation program para sa mga yunit na sadyang luma na.