Spongebob welcome pero…

By

Suportado ni Sen. Sherwin Gatchalian ang plano ng isang American television network na magtayo ng isang underwater resort and theme park sa Palawan, kilala bilang ‘last frontier’ ng Pilipinas.

Subalit ayon kay Gatchalian, kailangang siguruhin ng Nickelodeon na hindi masisira ang kalikasan sa pagtatayo nila ng underwater resort at theme park sa Palawan

“Importanteng protektahan ang ating kalikasan at siguraduhin na walang masisira sa ating natural landscape. Para sa akin, itong theme park ay puwedeng itayo basta sila ay sumangayon sa lahat ng batas natin sa environment. Ang Palawan ay ang ating last frontier.

Hindi natin puwedeng isugal ang kinabukasan nitong isla,” giit ng senador.

Target umano ng kumpanya na makapagbukas sa taong 2020, kung saan ilan sa gagawin sa 400-hectare undersea development ay mga restaurant at lounge na anim na metro ang lalim mula sa sea level.

Ngayon pa lang, isang online petition sa www.bataris.org/ph ang inilunsad upang tutulan ang pagtatayo ng underground theme park sa Palawan, kung saan higit 85,000 na umano ng pumirma.


  • yuan

    kaya walang asenso ang pilipinas dahil lagi nlang tayong tutol napakaganda ng project na ito kung walang hahadlang. wala namang masama dyn basta hindi masisira ang ating kalikasan.