Sintomas ng depresyon

By

Ang depresyon ay isang kondisyon kung saan ikaw ay nakararanas ng lungkot, kawalan ng pag-asa at hindi na interesado sa buhay.

Ito ay maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na gawain sa buhay. Ang depresyon ay maaaring namamana sa pamilya.

Maaari rin na ang mga magulang na may negatibong pananaw ay natututunan ng mga bata kaya nagsasanhi ito ng depresyon.

Nagmumula ito sa mga kaganapan na sobrang stress tulad ng problema sa pera, sa paaralan, nabu-bully, pagkawala ng kaibigan, pagkawalay sa magulang o pagkamatay ng miyembro ng pamilya o alagang hayop.

Ang depresyon ay mas malala kapag nagsimula ito sa iyong kabataan sa edad na 9 o 10.

Mas peligro kapag ang mga bata ang nakararanas ng sakit na ito babae man o lalaki. Ayon sa pag-aaral, sa mga teenager ay babae ang mas nakararanas ng depresyon kaysa sa lalaki. Kaya ano nga ba ang sintomas ng depresyon?

Ang depresyon ay magkaiba sa mga bata o teenager kaysa sa mga nasa hustong gulang na o ‘yung nasa adult stage na.

Dahil ang mga adult kapag nakararanas ng depresyon ito ay may kasamang pagod na sa buhay.

Ilang sintomas ng depresyon:

*Mood swings ang unang sintomas ng depresyon. Ikaw ay mabilis mayamot sa mga bagay-bagay at mabilis uminit ang iyong ulo
*Kawalan ng pag-asa at pagkakaroon ng negatibong pananaw
*Pagkawala ng gana makihalubilo at interes sa mga gawain sa buhay
*Gusto laging mapag-isa
*Pagkawala ng enerhiya at matinding pagod ang nararamdaman
*Kawalan ng focus
*Pakiramdam na nag-iisa na lang at walang nagpapahalaga
*Hindi makatulog o sobra sa pagtulog
*Kawalang gana kumain at pagbaba ng timbang
*Pakiramdam na nakokonsensiya
*Pagkabalisa
*Pag-iisip na magpakamatay

Ito ang karaniwang sintomas ng depresyon. Kung nararanasan mo ito, may mga healthcare provider na nagbibigay ng psychological treatment gaya ng cognitive behavioral therapy, behavioral activation at interpersonal psychotherapy.

Mabuting pumunta sa isang psychiatrist at kumonsulta. Labanan at talunin ang sintomas ng depresyon!


SHARE
Previous articleLotto Result 11/13/2017
Next articleLet the games begin