Shuttlecockers busy as a bee

By

Dibdiban na ang paghahanda ng mga Philippine Badminton Association national shuttlecockers tampok ang tatlong sunod na torneong sinabakan bago magsadya sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa naman sa 30th Southeast Asian Games sa Agosto 19-30.

Umabot sa second round sa Malaysia International Series Badminton Championships nitong Hulyo 9-16 sa Kompleks Kejiranan Presint 11, Putrajaya, Malaysia ng women’s singles si Sarah Joy Barredo na wagi kay Runshida Sukjai ng Thailand, 21-8, 21-8, bago nabigo kay Li Jian Yang ng Malaysia, 16-21, 14-21.

Nanalo rin sa first match si Airah Mae Nicole Albo kay Letshanaa Karupathevan ng Malaysia, 21-19, 21-16, bago natalo kay Thai Nuntakarn Aimsaard, 9-21, 22-24.

Sumabak din sa torneo sina Alvin Morada, Peter Gabriel Magnaye, Philip Joper Escueta, Carlos Antonie Cayanan, Alyssa Ysabel Leonardo, Nestor Tapales, Mariya Anghela Sevilla, Paul Jefferson Vivas, Alyssa Geverjuan at Solomon Padiz, Jr.

Sunod sa radar ng national shuttlers ang isang kompetisyon sa Hulyo 20-30 sa Indonesia at ang Skycity New Zealand Badminton Open 2017 sa Hulyo 30-Agosto 6 sa New Zealand saka ang SEA Games pagkaraan

Si Paulus Firman ang coach ng team kasama sina Padiz Jr., Arthur Samuel Salvado Jr., Albo, Barredo, Sevilla, at Geverjuan sa Indonesia.

Pamumunuan naman ni dating national team member at ngayon ay coach na si Arolas Amahit Jr. ang delegasyon sa New Zealand na kabibilangan din nina Magnaye, Morada, Escueta, Cayanan, Barredo, at Leonardo.