Sharon, inspirado kay Ian

By

MARAMING nagta­tanong sa amin kung dadalo si Sharon ­Cuneta sa awards night ng 13th Cinemalaya mamaya.

Pagkatapos mapa­nood ang ­pelikulang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, marami ang nagsasabing ang kategoryang Best Actress ang panlaban nito.

Ayaw umasa ng megastar. Ang mahalaga ay nakahilera niya sina Vilma ­Santos at Nora Aunor na nakagawa na rin ng pelikulang pang-Cinemalaya.

Happy na siya roon.

Na-inspire tuloy si Sharon na gumawa ng pelikula, at isa sa nabanggit niyang gusto niyang makasama ay si Ian Veneracion.

Puring-puri niya ang lead actor ng A Love To Last sa pagiging professional nito at ang gaang katrabaho.

Nagkasama sila sa isa sa mga concert series ni Sharon sa Amerika na kung saan guest si Ian sa Glendale, California concert niya noong June 24.

Nalokah si Sharon na parang ginawa lang Quiapo ni Ian ang Ame­rika.

Dumating daw roon si Ian noong mismong araw ng concert at kinabukasan ay bumalik din ng Maynila.

Sabi ni Ian, “Commitment ‘yun, eh. Hindi ko naman akalaing ganu’n ka-tight ‘yung schedule.

“Kung kaya pa naman physically… Ayun, na-appreciate niya nang todo at sinabi naman niya.

“Pero sa akin, what a wonderful experience! I hope I made the people happy there. Doon sa show.

“Hindi nila alam kung gaano kalaki sa akin ‘yun. Kasi, first time kong ganu’n kalaking ano na live na kakanta ka with my guitar, tapos mamaya si Louie Ocampo pa ang nagba-back up sa ‘yo with strings, tapos ka-duet ko siya (Sharon).

“Wow, ‘di ba?!” bulalas ni Ian.

Nagulat si Ian nang nakarating sa ­kanya na sinabi mismo ni Sharon na gusto siyang makasama sa isang film project.

So far, wala pa ­siyang alam na magsasama sila sa isang pelikula.

“Napakasarap niyang katrabaho. I’ll be honored to be part of that.

“Pero wala pang ideya kung ­meron ­silang nilulutong project na ganu’n.

“Nakakatuwa si­yempre kasi she’s very appreciative,” sabi ng Kapamilya actor.


SHARE
Previous articleKILLER VIDEOKE
Next articleEarthquake drill seryosohin