Abante Tonite Interactive

Sarah, itotodo ang pakikipag-agawan

13

PAKIKINGGAN na ng superstar coaches ng The Voice Teens na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo at Sharon Cuneta ang boses ng kabataan sa pagsisimula ng The Voice Teens nga­yong Easter Sunday (April 16) sa ABS-CBN.

Makikilala na ang u­nang batch ng teen ar­tists na sasalang sa blind auditions, ang unang ba­hagi ng kumpetisyon kung saan kailangan nilang mapaikot ang kahit isa sa apat na coaches upang maging bahagi ng isang team.

Sabi ni Lea, “There’s so much talent. Mahirap hindi umikot. Para sa akin, kung kinilabutan ako o kapag meron kang something na pwede na­ting pagtrabahuhan, then kailangan kong umikot.

Abante Hiring – IT dep

“Sometimes I do find myself in a spot where I don’t know what to do with an artist but I turn anyway, because they deserve to know na gusto ko ang ginawa nila, piliin man ako nila o hindi as their coach.”

Sabi naman ni coach Bamboo, mas mabusisi na siya sa pakikinig sa artists na iikutan niya matapos maging bahagi ng parehong regular at kids edition.

Sa The Voice Teens,” kailangang mag-assemble ng 14 artists ang bawat coach para buuin ang kani-kanyang team sa blind auditions.

Magdadagdag-anghang sa kumpetisyon ang kapangyarihan ng coa­ches na mag-‘steal’ pagdating sa battle rounds.

Marami ang excited sa pagbabalik ni coach Sarah na nangakong ito­todo ang pakikipag-agawan at labanan sa ibang coaches at magbahagi ng kaalaman sa singers na gaya niyang minsan na ring nangarap.

Lahad ni Sarah, “Halo-halong emosyon po. Masaya na I’m f­inally back.

“I’m doing this for aspiring teenagers na talagang talented. Pero hindi pa rin nagbabago.

“Very challenging pa rin po siya sa akin kasi hindi ako sanay magbenta ng sarili ko at hindi ako magaling magsalita. “Challenge din siya sa akin at training ground na ma-practice ang salita ko, ma­ging outspoken,” sabi ng popstar royalty.

Pahayag naman ni coach Sharon, “Instant ang rapport kasi matagal ko nang kilala si Sarah at nakasama ko na sina Lea at Bamboo sa isang buong season.

“It was just like coming home and continuing the fun. Kapag napipili ako ng artist, nakakakilig. Kasi, apat na kami. Tapos, ako ang pinaka-senior.”