Ryan, magpapaubaya sa ‘Baby’ ni Juday

By

HAVEY: Pagkatapos magbakasyon ang buong pamilya Agoncillo sa US para sa birthday ni Ryan, pumunta sila sa bahay nila sa Las Vegas, then tumuloy sa LA para sa mga kamag-anak at kaibigan.

Pabalik na sila para magtrabaho muna uli bago sila mag-celeb­rate ng 8th wedding anniversary.

Si Ryan, balik-Eat Bulaga na, at magpo-promote ng remaining episodes ng Cash Cab Philippines para sa AXN.

Si Juday, magsisimula na ng taping para sa bagong season ng Bet On Your Baby sa Lunes na malamang maging birthday presentation na rin niya.

That brings me to the issue na will Ryan still continue doing the GMA7 offer of an original game show also for kids na Ryan’s Playlist?

Isa lang ang kundis­yon ni Ryan sa production ng GMA News and Public Affairs — na sana, hindi magbanggaan ang timeslot nilang mag-asawa lalo pa’t ito ang unang labas na naman ni Juday after almost 2 years dahil sa pagbubuntis at pag-aalaga kay Luna.

“Ibigay na natin ‘yun kay misis, comeback project niya ‘yun, pam-birthday pa, suportahan na lang nating lahat,” sabi ni Ryan.

Kaya wait-and-see pa rin kung matutuloy ang Ryan’s Playlist sa GMA.

Sa pamilya Agoncillo, hindi PERA-PERA lang ang lahat.

***

WALEY: Kasabay na nag-celebrate ng wedding anniversary nina Juday & Ryan sina Lucy Torres & Richard Gomez pati na sina Kiko Pangilinan & Sharon Cuneta.

Speaking of the megastar, may mahabang tribute na naman siya sa kompositor na si Willy Cruz.

Ani Shawie, “I am in very deep mourning over the death of my friend, Willy Cruz. I did not expect to be this affected by his passing, but I am.

“I feel like a part of me has died. I have been hiding under the covers in my bed almost everyday since he left.

“I have been so useless. My tears seem to be coming out of an endless stream of water from a faucet that refuses to be turned off no matter what I do.

“I mean no offense to the other songwriters and composers who hold their own special places in my heart and are just as irreplaceable as Willy is — but I truly feel it was Willy who LOVED ME THE MOST… asked if I was okay most often… treated me not just as his friend but his ‘baby,’ no matter how far between our get-togethers were…

“Every highlight of my life, not just my career, has been marked by one of Willy’s songs, all written especially for me except for one: On Gabby’s and my wedding day, I sang I’ll Never Say Goodbye…

“No success with your contributions were ever or will ever be mine alone… I owe you so much, too much… And why is it so painful to have to say now that…

“I MISS YOU… I WILL ALWAYS MISS YOU… AND I LOVE YOU VERY MUCH, WILLY…

“NAPAKALAKI NG UTANG NA LOOB KO SA IYO… AND KILALA MO AKO, HINDI AKO NAKAKALIMOT…

“SANA NAYAYAKAP PA KITA ULI NGAYON… hindi nu’ng isang gabi, nu’ng tayo lang at wala pang ibang tao sa kinaroroonan mo ngayon, kung saan maraming nagbibigay ng respeto at tamang pamamaalam sa iyo…

“Nu’ng wala ka pa sa ayaw na ayaw kong ‘kahon’ na alam kong magiging huling paglalagyan mo… kasi ayoko…

“Kaya kahit pa ‘morgue’ ang tawag doon, hindi naman ako naiilang. Kasi, ikaw ang mahalaga sa akin hindi kung anong lugar ang kinalalagyan mo…

“Salamat sa Panginoon, nayakap, nahalikan pa kita. “Nakapagpasa­lamat ng walang katapusan nang walang salamin na nasa pagitan ng mga mukha nating dalawa…

“Napunasan ko pa ang mga luha kong tumulo nang tumulo sa guapo mong mukha kahit pa hiyang-hiya ako sa iyo noon…

“Kaya lang, talagang hindi ko na nakita pa ang ngiti mo kahit sa huling pagkakataon… at hindi na natin natapos ang kaisa-isang awit na tayong dalawa ang bumubuo…

“Paano na yan, Willy ko? Promise, when I see you again, LAHAT NG GINAWA MONG KANTA PARA SA AKIN, WALANG TIGIL NA AAWITIN KO SA ‘YO LANG, PAULIT-ULIT, PUNO PA RIN NG PUSO…

“Siguro, sa pagkakataong yon, makakangiti na ako uli… At matatapos na natin ‘yang kantang ginagawa nating dalawa…”

Ang susunod na paglabas ni Sharon aside from her new regular show na The Voice Teens ay sa anniversary concert ni Basil Valdez sa April 29 sa The Theater Solaire.

Sana, kantahin ni Basil at Sharon ang kani-kanyang Willy Cruz hits.