Ruffa, na-stress sa hikaw

By
1943

NAG-PICTORIAL si Judy Ann Santos kahapon para sa isang glossy fashion magazine.

Isa si Juday sa itinuturing na 25 icons ng magazine na ‘yon, kaya kasama siya ng 24 na iba pang showbiz persona­lities na may kanya-kanyang feature para sa kanilang 25th anniversary issue.

Medyo malaki na ang ipinayat ni Juday.

***

Noong Martes, sina Ruffa Gutierrez, Heart Evangelista at Kim Chiu ang nagkasabay-sabay sa pictorial para sa nabanggit na glossy magazine.

Hindi na namin inabutan si Heart nang dalawin namin si Ruffa.

Si Kim ay mukhang nakapagpahinga nitong Christmas season. Fresh na fresh ang dating niya at hindi namin kaagad namukhaan.

Habang patapos na si Ruffa, dumating ang nanay niyang si Annabelle Rama.

Hindi inabutan ni Bisaya ang dating talent niya na si Heart.

***

Naaliw ang mga tao kay Bisaya sa pictorial na ‘yon.

Akala ni Ruffa, gusto lang siyang dalawin ng kanyang nanay sa nasabing pictorial.

Ruffa Gutierrez
Ruffa Gutierrez

May ibang pakay pala ito.

Kinukuha ni Bisaya ang hikaw niya na hiniram ni Ruffa para sa pictorial.

Mahirap na raw at baka pagkatapos gamitin ni Ruffa sa pictorial ay ma-misplace na naman nito ang hikaw ni Bisaya, kaya kinum­piska kaagad ‘yon ng Gutierrez matriarch.

Balak pa naman ni Ruffa na gamitin ‘yon sa Big White Blowout event ng Watson’s sa The Podium after kung saan ay nagsalita sila ng Cosmo Skin ow­ners na sina Niño Bautista at Red Gatus.

Naloka si Ruffa dahil pati mga litratong kinunan sa kanya ay tsinek ni Bisaya.

React ito nang react dahil nakalugay ang kanyang buhok at hindi masyadong kita ang hikaw.

“My gosh, nakaka-stress si Mommy!” sey na lang ni Ruffa pagkatapos makaalis ang kanyang nanay.

***

Kung ang ibang mga anak nila ni Tito Eddie Gutierrez ang naka-bonding ni Bisaya sa Boracay noong New Year, sina Ruffa at Raymond Gutierrez naman ang makaka-bonding ng mag-asawa sa Dubai Uni­ted Arab Emirates.

Umalis kaninang madaling-araw sina Bisaya, Tito Eddie, Ruffa at Raymond.

Ilang araw silang magba-bonding doon.

May secret project kaya roon ang mag-iina kaugnay ng 5th season ng reality TV series nila sa E! international cable channel, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez?

Ayaw sabihin sa amin ni Bisaya kung anu-ano ang gagawin nila sa Dubai. Eh, kapag ganoong masikreto si Bisaya, usual­ly, may kinalaman ‘yon sa kanilang reality TV series.

***

Sa Pebrero 1 ang balik sa bansa ni Lani Misa­lucha para paghandaan ang Masquerade Valentine show nila ni Martin Nievera.

Nakapag-Masque­rade na sina Lani at Martin sa Amerika, pero iba itong show nila sa ‘Pinas.

Bago ang Solaire Resort and Casino Masquerade show nila sa Pebrero 14 & 15, may Cebu muna sila sa Pebrero 12.