RUDY, MATUTUWA!

Nakakatanggap pa kasi ng award si LT

By

STAR-STUDDED ang 64th FAMAS awards night kamakalawa sa grand ballroom ng Century Park Sheraton.

Dumalo si Cong. Vilma Santos (pinarangalan ng Presidential Award), Robin Padilla ­(tumanggap ng FPJ Memorial Award), Dennis Trillo (Best ­Actor), A­ndi E­igenmann (Best Actress), Lorna ­Tolentino (Best Supporting Actress) at mga hosts na sina ­Piolo Pascual, Enchong Dee, Jean Garcia & ­Sunshine ­Dizon.

May kaguluhan ang seremonya dahil kulang sa coordination at tila mas aligaga pa ang ilang ­miyembro na FAMAS na magpa-picture sa mga ­artista, at sa paghahanap ng maupuan para sa ­pamilyang karay-karay nila noong gabing iyun.

Nakatabi namin ng upuan si Lorna Tolentino.

Ang lamig ng kamay nang inalalayan namin paakyat ng stage para tanggapin ang kanyang award.

Kinakabahan pa rin siya kapag tumatanggap ng acting award.

Nabanggit niyang nakatago pa rin ang trophy ng first FAMAS award niya kung saan nanalo siyang Best Child Actress.

Naalala rin niya ang yumaong asawang si ­Rudy Fernandez na tiyak matutuwa ito sa pagkapanalo ­niya dahil hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin ­siya ng acting award.

Nagulat pa si LT noong gabing iyun dahil siya pa ang napiling Female Star of the Night, kasama si Piolo Pascual na Male Star of the Night. ­


SHARE
Previous articleNaiibang ‘putahe’
Next articleGREETINGS 12/06/2016